^

PSN Palaro

Unang tagay sa Beermen

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Marami pang adjustments ang gagawin ni two-time PBA Grand Slam champion coach Tim Cone.

Ito ay matapos patumbahin ng nagtatanggol sa koronang San Miguel ang Barangay Ginebra ni  Cone, 109-82 sa Game One ng 2017 PBA Philippine Cup Finals kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Mula sa first period hanggang sa fourth quarter ay hindi pinaporma ng Beermen ang Gin Kings para kunin ang 1-0 bentahe sa kanilang best-of-seven championship series.

Matapos kunin ang 60-39 bentahe sa halftime ay pinalaki ng San Miguel ang kanilang abante sa 75-42 sa third quarter mula sa tirada ni ‘three-peat’ PBA Most Valuable Player June Mar Fajardo.

Tuluyan nang ipina­hinga ni mentor Leo Austria ang 6-foot-10 na si Fajar­do sa huling 4:02 minuto ng nasabing yugto para maihanda sa Game Two bukas sa Lucena City.

Kaagad na nagtala ang Beermen ng 33 points sa opening period kasabay ng paglimita sa Gin Kings sa 9 markers patungo sa pagpoposte ng 26-point lead, 38-12  sa pagbubukas ng second quarter.

Kinuha ng San Miguel ang pinakamalaki nilang kalamangan sa 27 points, 54-27 sa 5:15 minuto ng naturang yugto bago ito naputol ng Ginebra sa 39-60, sa halftime.

Tumipa si Alex Cabag­not ng 13 points para sa Beermen, habang nagtala sina Chris Ross at Fajardo ng 12 at 10 markers, ayon sa pagkakasunod.

Tanging si Mark Ca­guioa ang umiskor ng double figures sa panig ng Gin Kings sa kanyang 10 points.

Samantala, bunga ng kanyang magandang mga statistical ave­rages ay walang dudang masisikwat na ni Fajardo ang Best Pla­yer of the Conference trophy ng 2017 PBA Philippine Cup.

Humakot ang 6-foot-10 na si Fajardo ng mga ave­rages na 19.4 points, 15.2 rebounds, 2.4 blocks at 1.5 assists para sa kanyang 824 statistical points mula sa elimination hanggang sa semifinal round.

Ang mga tanging hahamon kay Fajardo para sa BPC award ay ang kanyang mga San Miguel teammates na sina No. 4 Arwind Santos at No. 5 Alex Cabagnot.

vuukle comment

TIM CONE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with