^

Probinsiya

Kalihim ng NPA sa ST, arestado

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Arestado ang itinuturing lider at kalihim ng rebeldeng New People’s Army sa Southern Tagalog Region sa isinagawang operasyon ng militar sa Barangay Munting Indang sa bayan ng Nasugbu, Batangas kamakalawa.

Kinilala ni Lt. Xyzon Meneses, spokesperson ng Army’s 2nd Infantry Division, ang suspek na si Ernesto “Ka Mel” Samarita, secretary ng Southern Tagalog Regional Party Committee, pinuno ng regional finance staff at mi­yembro ng central committee ng CPP-NPA-NDF.

Bandang alas – 3 ng madaling araw nang masakote ang suspek sa inilatag na operasyon ng 730th Combat Group ng Philipppine Air Force sa ilalim ng operational control ng Army’s 202nd Infantry Brigade.

Lumilitaw sa inisyal na ulat na napansin ng tropa ng militar ang rolyo ng detonating cord ng bomba sa hindi naka-zipper na belt bag ng suspek.

Gayunman, tinangkang sitahin ng military subalit nagtatakbo ang suspek hanggang nasakote rin.

Unang nagpakilala ang suspek sa pangalang Jojomar Dimayacyac ng San Pablo, Laguna pero sa imbestigasyon at booking procedure matapos na iturn-over ito sa pulisya ay natukoy na ito ang wanted na mataas na lider ng NPA rebs.

Lumitaw din sa imbestigasyon na ang grupo ng suspek ay sangkot sa raid sa Pico de Loro Resort noong Enero na 2017.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with