^

Probinsiya

3 dedo sa motorbike mishap

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines – Tatlo-katao ang namatay habang isa naman ang kritikal sa magkahiwalay na motorcycle crash sa bayan ng Santa, Ilocos Sur at bayan ng Delfin Albano, Isabela kamakalawa.

?Kinilala ni P/Supt. William Nerona, tagapagsalita ng Ilocos Sur PNP ang mga namatay sa bayan ng Santa na sina Danilo Petilos, 36, drayber ng motorsiklo at kaangkas na si Ronaldo Casinio, mga nakatira sa Brgy. Pantoc sa bayan ng Narvacan.?

Lumalabas sa imbestigasyon na hindi nakalkula ng 25-anyos na drayber ng 6-wheeler truck na si Cris Jay Paz ang kurbadang bahagi ng highway sa Barangay Magsaysay kaya nakasalpukan ang kasalubong na motorsiklo sa kabilang linya. ?

Arestado naman si Paz matapos ang insidente?.

Samantala, namatay din ang panaderong si Jopet Alvendia, 20, habang kritikal ang kaangkas nitong kabaro na si Eric Dela Cruz matapos salpukin ng kanilang motorsiklo ang isang road sign sa kurbadang bahagi ng highway sa Barangay Aga, bayan ng Delfin, Albano bago nahulog sa bangin. ?

Nabatid na pauwi na sa bayan ng Quezon ang dalawa mula sa magdamagang laklakan dakong alas-4 ng madaling araw nang makasalubong si kamatayan.

vuukle comment

MOTORBIKE MISHAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with