^

PSN Palaro

Cignal-SBC hangad ang ika-limang sunod na panalo kontra sa Tanduay

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Itataya ng Cignal-San Beda ang bitbit na four-game winning streak sa pagkikipagtipan sa Tanduay ngayong hapon sa 2017 PBA D-League Aspirants' Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Matapos lumasap ng kabiguan sa kanilang unang la­ro, sumulong ang Hawkeyes sa apat na sunod na pa­nalo upang kapitan ang ikalawang puwesto.

Ngunit ayaw ni Cignal coach Boyet Fernandez na pu­masok sa isip ng kanyang bataan ang kanilang ki­na­lalagyan para maiwasang maging kampante sa ka­nilang mga susunod na laro partikular na sa Rhum Masters na may matikas na lineup.

“We're trying to prepare ourselves for our future games. We're still a work in progress,” ani Fernandez.

At sa oras na magkrus ang landas ng Cignal at Tanduay sa alas-5 ng hapon ay tiyak na dadanak ang uma­­atikabong aksyon tampok sina Jason Perkins, Davon Potts at Robert Bolick na siyang ibabandera ng Hawkeyes laban sa Rhum Masters na mamanduhan naman nina Mark Cruz, Bong Quinto at Paul Sanga.

Galing ang Tanduay (3-2) sa masaklap na 84-80 ka­biguan sa kamay ng Racal noong nakaraang linggo.

Magpapang-abot naman sa unang laro sa alas-3 ang CafeFrance (4-1) at Victoria Sports-MLQU.

Hangad ni coach Egay Macaraya na mapatatag ang Bakers sa kapit sa ikalawang puwesto para mapalakas ang tsansang makahirit ng insentibo sa susunod na yugto.

Aasa ang CafeFrance kina Paul Desiderio, Michael Calisaan at Congolese big man Rod Ebondo, habang hahataw para sa Victoria si Robbie Herndon.

vuukle comment

BOYET FERNANDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with