^

PSN Palaro

La Salle, Ateneo ayaw bumitaw sa 2nd spot

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Pinayuko ng nagdedepensang De La Salle University at 2016 runner-up na Ateneo de Mania University ang kani-kanilang mga karibal upang manatili sa No. 2 spot sa UAAP Season 79 women’s volleyball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Nasawata ng Lady Eagles ang ilang pagtatangka ng University of the East Lady Warriors bago itakas ang 25-14, 25-21, 25-21 panalo sa larong tumagal ng 71 minuto.

“Malaki ang improvement ng UE ngayon ma­ganda ang inilaro nila,” sabi ni Ateneo assistant coach Sherwin Meneses.

“Kami naman kailangan pa namin ng hard training in preparation for our next games against UP and La Salle,” dagdag pa nito.

Nagrehistro si opposite spiker Michelle Morente ng 13 puntos, habang bumira si middle blocker Bea de Leon ng 11 puntos at ka­ragdagang 17 puntos mula kina Maddie Madayag at Kat Tolentino para sa Ateneo.

Mabilis namang dinis­patsa ng La Salle ang Adamson University sa pa­mamagitan ng 25-12-25-16, 25-15 straight-set victory.

Nailatag ng Lady Spi­kers ang mga atake nito sa likod ng magandang de­pensa ni libero Dawn Macandili na naglagak ng 16 digs at 18 receptions.

Parehong sumulong sa 4-1 baraha ang La Salle at Ateneo sa ilalim ng na­ngu­ngunang University of the Philippines na may imakuladang 4-0 rekord.

Naiwan naman sa ika­apat na puwesto ang wa­lang larong National University na may taglay na 3-1 marka.

Wala pa ring panalo ang UE at Adamson sa li­mang pagsalang.

Sa men’s division, ini­­lam­paso ng nagdedepen­sang Ateneo Blue Eagles ang UE Red Warriors, 25-17, 25-13, 25-22, upang ma­natiling malinis sa re­kord nito at lumapit sa first-round sweep.

Gaya ng dati, matikas na nasandalan ng Blue Eagles si open hitter Marck Espejo na humataw ng 10 attacks, tatlong blocks at dalawang aces, habang umani naman si Rex Intal ng 10 puntos para bitbitin ang kanilang tropa sa 5-0 baraha.

Sunod na makakasagu­pa ng Ateneo ang UP at La Salle bago makumpleto ang sweep.

Sumampa naman sa win column ang Adamson nang gibain ang La Salle sa iskor na 26-24, 24-26, 25-20, 28-26, tampok ang 18 puntos na produksiyon ni John Philip Yude at tig-17 nina Jerome Sarmiento at Paolo Pablico.

Dahil sa kanilang mga panalo ay nagsosyo ang Adamson at La Salle sa ika­anim na puwesto hawak ang parehong 1-4, habang nasa ilalim pa rin ang UE na may 0-5 marka.

vuukle comment

VOLLEYBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with