^

PSN Palaro

Tiyak na magiging maaksyon ang finals series ng SMB at Ginebra

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Kasado na ang bakba­kan ng nagdedepensang San Miguel Beer at crowd-favorite na Barangay Ginebra sa 2017 PBA Philippine Cup best-of-seven championship series na magsisimula bukas sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Umusad sa finals ang Beermen at Gin Kings ma­tapos lusutan ang kani-ka­nilang best-of-seven semifinal series sa pamamagitan ng parehong 4-3 panalo sa serye.

Pinataob ng SMB ang Talk ’N Text, habang na­ma­ya­ni naman ang Ginebra kon­tra sa Star Hotshots.

Kaya naman prehong ma­taas ang moral ng dalawang tropa bago sumalang sa kanilang finals series.

Sa kabila ng pagiging sister teams ay tiniyak ni Beermen mentor Leo Austria ang pukpukang labanan na siyang aabangan ng mga tagahanga ng SMB at Ginebra

“I think this series will be tough and very exciting es­pecially for the fans,” ani Austria.

Aminin man o hindi ay liyamado sa serye ang Beermen na nagtataglay ng malakas na lineup sa pangunguna ni reigning Most Valuable Player at Best Player of the Confe­rence top candidate June Mar Fajardo.

Ngunit nilinaw ni Austria na hindi lamang si Fajar­do ang bumubuhay sa ka­nilang tropa dahil malaki rin ang kontribusyon ng iba pang manlalaro gaya ni­­na Arwind Santos, Marcio Lassiter, Alex Cabagnot at Chris Ross.

“June Mar is not the only one. We keep on winning not because of June Mar, but because of his teammates,” ani Austria.

Handa sina Lassiter at Ross na gawin ang lahat upang maipagtanggol ang kanilang titulo.

“We’re happy to be back in the finals. We would be ready for the battle,” wika ni Ross.

“We won’t stop working hard to get this championship,” dagdag naman ni Lassiter.

Nagpahayag din ng kahandaan si Ginebra mentor Tim Cone na muling lu­maban upang bigyang ka­siyahan ang libu-libong tagasuporta nito.

“We’ll continue to battle for the fans. I believe in our guys, and I hope they find ways to compete with SMB. We found ways to overachieve, and we’re going to continue to find ways to overachieve,” ani Cone.

Para kay Cone, iba ang se­mis sa finals kaya naman muli itong bubuo ng panibagong plano kung paano pipigilan ang magandang inil­­alaro ng Beermen.

“Every series is diffe­rent. Coach Leo has a great team. It takes a special kind of guy to handle that kind of team,” ani Cone.

Aminado sina LA Tenorio at Scottie Thompson na mahirap kalabanin ang Beermen ngunit determina­do ang kanilang koponan na bigyan ng magandang serye ang SMB at ang mga fans.

“Magandang series to, mag-e-enjoy lahat. Chris is a tough match-up. To be ho­nest, pag-aaralan pa namin. We’ll be ready,” ani Tenorio.

“Sobrang tough nitong series na to, ibibigay namin ang best namin,” bahagi ni Thompson.

Lalaruin ang Game One sa alas-7 ng gabi kasunod ang Game Two sa Lucena City sa Linggo.

Nakatakda ang Game Three sa Marso 1 at Game Four sa Marso 3 na parehong la­laruin sa Smart Araneta Coliseum.

Sakaling umabot sa rubber match ang serye ay ida­raos ang Game Five sa Marso 5 sa Big Dome ka­sunod ang Game Six sa Marso 8 sa MOA Arena at Game Seven sa Marso 10 balik sa Big Dome.

vuukle comment

SAN MIGUEL BEER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with