^

PSN Showbiz

Binoe inaabangan ang gagawin kay Aljur

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Binoe inaabangan ang gagawin kay Aljur

Ano kaya ang reaction ni Robin Padilla sa balitang three months pregnant umano ang kanyang anak na si Kylie Padilla at ang itinuturong ama ay ang nakabalikan nitong boyfriend, ang Kapuso actor na si Aljur Abrenica?

Nagsimula ang mga balita sa blind item hanggang pangalanan na si Kylie, isa sa mga bida ng tumatakbong fantaserye ng GMA, ang Encantadia.

Parehong tahimik lamang hanggang ngayon sina Kylie at Aljur at ayaw pa nilang magsalita o kumpirmahin kung totoo ang mga naglalabasang balita.

Vhong magiging aligaga sa mga pelikula

Magiging abala sa taong ito ang dancer-turned comedian-TV host na si Vhong Navarro sa rami ng movie projects na kanyang gagawin.

Pagkatapos ng matagumpay na Mang Kepweng Returns na kanyang pinagbidahan at idinirek ni GB Sampedro under Cineko Productions na siyang naging first local movie na ipinalabas sa taong ito, isusunod kaagad dito ang isang movie project sa bakuran ng Regal Films. May follow-up project din siya sa Cineko Productions, ang The Adventures of Mang Kepweng na malamang idirek pa rin ni GB Sampedro. Balak din ng OctoArts Films na kunin ang serbisyo ni Vhong for another movie this year.

Si Vhong ay mina-manage ng director-talent manager, ang kapwa kong Waray na si Chito Roño.

Juday at Gladys nanatiling BFF

Nakakatuwa ang pagkakaibigan ng mag-best friends na sina Judy Ann Santos at Gladys Reyes na nagsimula sa set ng kanilang now-defunct long-running drama TV series na Mara Clara na siya ring naging pasaporte nina Kathryn Bernardo at Julia Montes.

Wala pang mga asawa’t mga anak sina Juday at Gladys ay sobra na ang closeness ng dalawa na ang turingan ay parang tunay na magkapatid hanggang ngayon.

Ang maganda, hindi lamang sina Juday at Gladys ang magka-close kundi pati ang kanilang mga asawa na sina Ryan Agoncillo at Christopher Roxas pati mga anak nilang sina Yohan at Lucho, Christoph, Grant, at Aquisha.

Nanay ni Baron hanggang Biyernes ang burol

Ang ina ng half-Filipino and half-German actor na si Baron Geisler na si Gng. Gracia Bayonito ay sumakabilang-buhay noong nakaraang linggo dahil sa sakit na kanser. Ang kanyang mga labi ay dinala sa St. Louie Memorial Cha­pel sa Mabalacat, Pampanga kung saan ito paglalamayan hanggang Biyer­nes, January 27.

Ang aming taos-pusong pakikiramay, Baron.

vuukle comment

ROBIN PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with