^

PSN Opinyon

Mga unang kilos

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

PRESIDENTE na ng US si Donald Trump. At sa kanyang unang talumpati, marami ang nadismaya. Nagkaroon ng ilang marahas na kilos-protesta sa US kung saan may mga nagsunog ng sasakyan. Nagmartsa rin ang kababaihan laban kay Trump. Malaking isyu ang pambabastos ni Trump sa mga babae noong kam­panya. Marami rin ang naghimay ng talumpati ni Trump, na imbis na hikayating magkaisa ang bansa ay mas na­ging malinaw ang dibisyon, partikular sa mga imigrante. Noong kampanya, siniraan niya ang mga Mexican.

Ang unang opisyal na kilos nga ni Trump ay ang pagpapawalambisa ng tinatawag na Affordable Care Act o “Obamacare”, ang programa para sa kalusugan na itinaguyod ni Pres. Barack Obama, kung saan ang mga mahihirap ang nakinabang. Ilang beses binanggit ni Trump na gagawin niya ito kung sakaling maging Presidente. Pero wala pang ipapalit ang kanyang adminis­trasyon na programa kung sakaling tuluyan nang mawala ang “Obamacare”. Kailangan pa kasing aprubahan ng kanilang Kongreso kung ipawawalambisa na nga. Ilang milyong Amerikano ang maaapektuhan kapag tuluyan nang mawala ang “Obamacare”.

Pero ang isang isyu na magiging interesado ang Pilipinas ay ang tila malakas na katayuan ng administrasyon ni Trump kontra China, partikular ang pag-aangkin ng karagatan at kalakalan. Nagpahayag ang tagapagsalita ng administrasyon ni Trump na “ipagtatanggol ng US ang mga interes nito sa South China Sea”, partikular ang malayang paglayag sa karagatan. Pati na rin si­guro ang malayang paglipad ng mga eroplano sa rehiyon. Hindi daw papayag ang US na angkinin na lang basta-basta ng isang bansa ang ilang isla sa karagatan. Palaban na nga ang reaksyon ng Beijing sa mga pahayag na ito. Sigurado babantayan ang sitwasyon sa karagatan, ngayong Presidente na si Trump. Malinaw na mainit si Trump sa China, kaya sigurado apektado rin tayo kung sakaling maging mas mainit pa ang sitwasyon. Sa kabila ng pagiging malapit ng administrasyong Duterte sa China, maraming Pilipino naman ang mas gustong kakampi pa rin ang US.

vuukle comment

DONALD TRUMP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with