^

Police Metro

Manila ‘Solar City’ tatalunin ang ibang lungsod

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Tiniyak ni Majority Floor Leader Casimiro Sison (6th District) na tatalunin ng ‘Solar City’ ng lungsod ng Maynila ang Taguig, Makati at Quezon City at makakamit ang titulong “Pearl of the Orient”.

Ito ay kaugnay ng  reclamation project kung saan itatayo ang ‘Solar City’ urban center at dalawa pang malalaking reclamation projects sa Manila Bay.

Anya, bilyun-bilyong buwis ang kikitain  mula sa proyekto  kaya magi­ging mabilis ang pag-unlad ng  Maynila at posibleng maiwanan ang  Makati, Taguig, at Quezon City.

Sa Makati, may Ayala Center; Taguig may Bonifacio Global City (BGC); at may Araneta Center, Eastwood, at iba pang business district naman ang Quezon City,  habang ang Maynila ay walang sariling makabagong commercial district.

Sa ilalim ng proyekto, tatlong isla na may sukat na 148 ektarya ang itatayo sa Manila Bay kung saan itatayo rin ang maraming business centers, residential at commercial properties, kabilang na ang isang international cruise ship terminal.

Aabot aniya sa 100,000 trabaho naman ang maibibigay nito habang ginagawa ang proyekto at 500,000 pa kapag operational na ito.  

vuukle comment

MAJORITY FLOOR LEADER CASIMIRO SISON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with