^

PSN Showbiz

Kinapos lang sa height, Maja pangarap sanang maging Miss U

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Pati mga artista ay tutok na tutok din nga­yon sa mga kaganapan sa Miss Universe 2016 lalo na ngayong papalapit na ang coronation night. Nakadagdag pa ang nalalapit na pagdating ng mga dating Miss U na sina Dayanara Torres at Sushmita Sen na uupong hurado.

Si Maja Salvador pala ay naaliw din sa pag-update sa mga nagaganap sa Miss Universe dahil minsan na siyang nangarap maging beauty queen. “Dapat gising tayo sa realidad kung ano para sa yo talaga. Eh, kulang lang sa height eh,” natatawang pakli ni Maja.

PAK: Hindi lang mga artista ng pelikulang Across the Crescent Moon ang pinagkaguluhan sa premiere night ng nasabing pelikula. Maging si PNP Chief Ro­nald ‘Bato’ dela Rosa rin kasi ay pinagkaguluhan.

Sa gitna ng malaking isyu sa pagpatay sa Koreanong businessman, pinagbigyan ni Gen. Bato ang imbitasyon ng mga taga-Across the Crescent Moon dahil tumatalakay ang kuwento nito sa buhay ng SAF cop na ginagampanan ni Matteo Guidicelli.

Ginanap ang premiere night sa Uptown Mall noong nakaraang Biyernes.

Keber naman si Gen. Bato sa mga nagsasabing dapat ay mag-resign na siya. Attend lang siya sa premiere night at ang pagkaka­laam namin nanood pa siya sa Rak­ra­ kan festival, at nag-celebrate
ng kanyang kaarawan.

BOOM: Hindi pa alam ng production staff ng isang top-rated show kung kailan nila tatapusin ang palabas dahil malapit nang mahalata ang paglobo ng tiyan ng isa sa mga bida.

Tikom ang bibig ng mga nagtatrabaho sa naturang show dahil ayaw nilang maging source ng mainit na tsismis tungkol sa young actress na napa­pabalitang buntis. Dapat ay sa April pa raw ma­tatapos ang show, pero baka mapaiksi na dahil hindi nila alam kung ano ang gagawin nila sa
karakter na ginagampanan ng young actress.

Huwag na huwag din daw itong itatanong sa tatay ng young actress para hindi na uminit ang ulo niya.

vuukle comment

MISS UNIVERSE

PIK PAK BOOM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with