^

Pang Movies

Liza at Aiza nakipag-linawan kay Pres. Duterte!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Natuloy din ang pakikipag-meeting kay President Rody Duterte nina Liza Diño, Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairwoman at National Youth  Commissioner Aiza Seguerra sa Malacañang nu’ng Biyernes.

“Thank you Mr. President for taking time to listen. Thank you for being open. Salamat sa paniniwala na malaki ang magagawa ng sining at kultura sa muling paghubog ng kamalayan ng ating sambayanan. Thank you for investing on our youth. Napakalaking bagay ng inyong tulong at suporta,” bahagi ng post ni Diño.

Nagpasalamat din ang “mag-asawa” kay Honeylet (wife ni PDigong) sa tulong.

Sa isa pang post ni Liza, may kinalaman ito sa bintang na censorship sa controversial festival entry na Oro. Nasa korte na kasi ang issue dahil sa kasong isinampa ng PAWS. Hindi issue ang censorship sa nangyari.

“So please, enough with this whole issue on censorship. Wrong premise. Your concern, as noble as it sounds, is nothing but a misplaced advocacy. Wag nyong idistract ang sambayanan,” bahagi ng post ni Dino.

Hindi nga naman ang MMFF Executive Committee ang nagdesisyon na ma-edit ang scene na pagkatay sa aso. Naging mediator lang ang MMFF at ipinaubaya niya sa Team Oro at PAWS na solusyunan ang issue.

On a lighter note kahapon naman, ipinagmalaki ni Liza ang tagumpay na negosasyon between FDCP at SM Cinemas na maipalabas ang indie films at programs ng FDCP sa  walong sinehan ng mall sa buong bansa sa loob ng tatlong taong agreement.

Female star na nagsisimula sa ‘K’ ang pangalan, dapat harapin ang pagbubuntis

Isang female star na nagsisimula sa letter K ang name na natsitsismis na buntis ngayon!

Siguradong aligaga na ang parientes ni girl. Mas lalong aburido raw ngayon ang nakabuntis na aktor, huh!

Hindi uubra ang damage control sa sitwasyong ganyan. Just face the music but suffer the consequences, huh!

Sushmita Sen excited na uling makarating ng bansa!

Has been naman ang napiling guest performer na si Flo Rida sa Miss Universe. May hit songs naman siya pero noon pa ‘yon sumikat, huh!

Pagdating naman sa isa sa judges, ang 1994 Miss Universe na si Sushmita Sen ay nagbigay na ng kumpirmasyon na siya ay isa mga magiging judges. May napili na ring red carpet host pero hindi masyadong kilala ng Pinoy.

Kung sakali namang mag-back out ang host na si Steve Harvey, nagbiro sa kanyang Twitter account ang host/writer na si RJ Ledesma na willing and able na palitan siya, huh!

Mapapanood ang live presentation ng Miss Universe 2016 sa tatlong free networks at iba pa. Kanya-kanyang pakulo ang mga network upang sa kanilang channel tumutok ang samba­yanan sa January 30!

vuukle comment

LIZA DIñO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with