^

Pang Movies

Korean actor na si Rain feeling laos na kaya nagpakasal na lang!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Ito ay isang bagay na kailangang isipin ng mga artistang Pilipino.

Kamakailan lamang ay pinakasalan ni Rain, na itinuturing na Korean superstar ang kanyang girlfriend na si Kim Tae Hee.

Dito sa Pilipinas, sumikat si Rain nang ipalabas ang kanyang seryeng Full House. Sinasabi ring siya ay nakapagtanghal ng isa sa pinakamalaking concert sa Maynila, at take note, napakataas ng admission prices sa kanyang concert na dinumog pa rin ng fans.

Si Kim Tae Hee naman ay sinasabing “isa sa pinakamagandang babae sa South Korea”, at dito sa atin sumikat siya nang ipalabas ang seryeng Stairway to Heaven. Hanggang ngayon tumatakbo pa rin ang isa niyang serye dito, iyong Yong Pal.

Isang napakapribadong wedding ang ginanap sa Korea. Pero pagkatapos noon, sinasabi nila na tila bumaba agad ang popularidad nina Rain at Kim. Hindi maikakaila, lalo na sa fans niyang babae dahil nawalan sila nang gana nang mag-asawa na si Rain. Kahit na nga sabihin pang ang napangasawa niya ay sinasabi ngang pinaka magandang babae sa kanilang bayan.

May nagsasabi pang maging sa abroad, bumaba na ang popularidad ni Rain matapos niyang aminin ang kanyang apat na taon nang relasyon sa kanyang girlfriend kahit na hindi pa sila ikinakasal.

Magandang pag-aralan iyan. Ang tanong namin, ano kaya ang mangyayari sa mga artistang Pilipino, lalo na iyang mga magkaka-love team, at iyang mga matinee idol, oras na sila ay mag-asawa na. Ano ang mangyayari sa kanilang career kung ang babae ay mabuntis na? Tiyak na sasabihin ng kanilang fans na ok lang na mag-asawa na sila, dahil gusto naman iyon ng fans.

Pero hindi ba ninyo napupuna na maraming mga artistang matapos mag-asawa, lalo na ang mga lalaki, bumababa na ang popularidad? Maliban na lang siguro kung nakapag-establish na sila ng kanilang sarili bilang mga tunay na actor, at kinikilala na hindi lamang ng kanilang mga fans. Pero iyong mga sikat na nakabase lamang sa suporta ng kanilang mga fans, aba mag-isip kayo dahil baka magaya kayo kay Rain.

LJ dapat nang tantanan ang ‘pagsubo’

May statement naman si LJ Reyes noong press conference nila ng Pinulot Ka Lang sa Lupa, na hindi siya nagmamadaling mag-asawa o pumasok agad sa isang seryosong relasyon ngayon kahit na inaamin niyang boyfriend na niya ang actor na si Paolo Contis.

Aba dapat naman talagang maging maingat na si LJ. Hindi na siya bago sa ganyang relasyon. May anak na siya kay Paulo Avelino, na bagama’t may relasyon sila noon ay hindi naman siya pinakasalan. Hindi namin alam kung may iba pang naging affairs si LJ pero natatandaan namin, na na-link din siya noon kay JC de Vera. Tapos ngayon nga kay Paolo Contis naman.

Si Paolo ay nagkaroon na rin ng relasyon at dalawang anak sa dating dancer na si Lian Paz.

Dapat nga, huwag nang sumubo si LJ sa mga bagay na hindi siya sigurado.

Aktres, buntis sa dyowang aktor!

Papaanong hindi mabubuntis ang female star, eh siya pa ang sumasalakay sa condo ng male star na boyfriend niya. Ano nga ba ang inaasahan ninyong mangyayari sa ganoong sitwasyon?

Maglalaro lang ba sila ng bato-bato-pik? May mag-aabot ba sa male star ng condom? May magpapainom na sa female star ng pills? At ano nga kaya ang gagawin nila ngayong nabuntis na siya? Ipo-post ba niya sa social media? Pipilitin ba niya ang male star na magpakasal na sila? Aywan ko sa buhay nila.

vuukle comment

KIM TAE HEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with