^

PM Sports

Baby Tams sumalo sa No. 2

Pang-masa

MANILA, Philippines – Pinadapa ng Far Eastern University-Diliman ang defending champions Nazareth School of National University sa iskor na 61-46 sa pagpapatuloy ng juniors division ng UAAP Season 79 men’s basketball tournament sa San Juan Arena kahapon.

Nanguna sa panalo ng Baby Tamarraws si Xyrus Torres na gumawa ng 20 puntos, kung saan 18 ay mula sa three-point area habang nagdagdag naman ng 12 puntos at 8 rebounds ang kanilang big man na si Kenji Roman para sa kanilang pang-walong panalo sa sampung laban.

Nagbigay naman ng 14 na puntos si John Lloyd Clemente para sa NU, na ngayon ay nasa 8-2 kagaya ng FEU-Diliman.

Samantala, nanatili namang na-ngunguna ang Adamson High School sa standings matapos makalusot sa Ateneo sa iskor na 79-73.

Naging sapat ang 26 na puntos na bentahe ng Baby Falcons, nang magawa itong tapyasin ng Blue Eaglets sa second half sa pamamagitan ng 51-33 na abante sa scoring sa huling dalawang quarter upang masungkit ang panalo.

Gumawa ng 15 puntos si Encho Serrano para sa Baby Falcons na umangat sa 9-1, habang tumapos naman ng may 18 puntos at 6 na rebound si SJ Belangel para sa Blue Eaglets na nananatili sa pang-apat na puwesto sa rekord na 5-5.

Sa iba pang laban, tinalo ng University of Sto. Tomas ang University of the Philippines Integrated School sa iskor na 91-83 habang tinalo ng La Salle-Zobel ang University of the East sa iskor na 81-59, upang lalo silang ibaon sa ilalim ng standings sa 2-8, habang tabla sa 3-7 ang La Salle-Zobel, UST at UPIS. . FML

vuukle comment

FAR EASTERN UNIVERSITY-DILIMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with