^

Bansa

Mga biyuda ng SAF 44 ipapatawag ni Duterte

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakatakdang ipatawag ni Pangulong Duterte ang mga biyuda ng 44 miyembro ng PNP-Special Action Force (SAF) na nasawi sa engkwentro sa Mamasapano, Maguindanao noong January 25, 2015.

Sa darating na ?January 25, gugunitain ang ikalawang anibersaryo ng madugong operasyon kung saan napatay ang teroristang si alyas Marwan.

Sinabi ni Pangulong Duterte, maging ang mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Tactical Ope­rations Group ay ipatatawag din para tanungin kung bakit hindi ginamit ang air assets ng militar noong kasagsagan ng engkwentro ng PNP-SAF at Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Ayon sa Pangulo, hindi na itatanong kung sino ang kumana o nagkapera sa naturang operasyon sa Mamasapano. Hangad lamang daw na malaman ng Pangulo kung sino ang matalinong nagplano ng operasyon at kung bakit hindi pinapasok ang military support.

Hindi maikakaila umanong maraming helicopter ang military ang naka-istambay lamang at araw-araw na pinupunasan lamang ng mga sundalo at hindi nagagamit.

Iginiit ng Pangulo na wala siyang balak buhayin ang isyu ng Mamasapano massacre pero may mga bagay lamang na bumabagabag sa kanya at nais niyang malinawan.

“Huwag na ‘yung, sino ang nagkapera doon? Sinong kumana ‘non? O partida o pang-ano mo, pang-retire mo. Huwag na ‘yan. O sino ang nagplano doon na bright? Maniwala kayo bright ang nagplano noon?” ani Pangulong Duterte.

“Akin lang is bakit hindi ninyo tinawag ang CASFP, ang TOG? Karaming helicopter diyan, walang gamit. Trapo nang trapo ‘yung mga sundalo araw-araw. Iyon lang ang ano. I report it because celebrated the… When was the Mamasapano anniversary? Yesterday? I’ll meet the widows and I’d like to talk to them, to the officials. I’m not trying to scare anybody. I’m not trying to go into politics again,” wika pa ni Duterte.

vuukle comment

PANGULONG DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with