^

PSN Showbiz

Sikat at magandang aktres inggit sa may edad na actress na pinakasalan ng tatay ng anak

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Gaano man maipagmamalaki ang kagandahan ng isang babae ay siguradong dinadalaw pa rin siya paminsan-minsan ng insekuridad. Nakukulangan pa rin siya sa kanyang sarili. May kinaiinsekyuran pa rin siya sa kabila ng impresyon ng marami na kumpleto na siya.

May kuwento ang aming source tungkol sa isang popular na female personality na sa kabila ng mga papuring tinatanggap ng kanyang hitsura ay inapuntahan pa rin pala ng pagka-insecure.

Minemenos pa rin niya ang kanyang ganda. Meron siyang gustong lampasan o kahit pantayan man lang sana. Isang kasamahan niyang aktres ang hindi nagbibigay ng kumpletong kaligayahan sa nasabing female personality.

Simulang kuwento ng aming source, “Alam n’yo bang super-insecure si ____(pangalan ng popular at magandang aktres) kay ____(isang magandang aktres na sa kabila ng pagkakaedad ay hindi nagbabago ang hitsura)?

“Grabe ang insecurity niya sa babaeng ‘yun! Gusto niyang kabugin ang beauty ng co-star niya! ‘Yun ang dahilan kung bakit kung anu-ano ang ipinagagawa niya sa mukha at body niya!

“Maganda na siya, ‘di ba? Pero para sa kanya, e, may mga kulang pa sa hitsura niya. Kasi nga, e, matindi ang insecurity niya sa girl na kahit nadadagdagan na ang age, e, maganda pa rin!” windang na sabi ng impormante.

Kaya pala hindi sila nagkakatinginan nang mata-sa-mata. Kaya pala kapag nakikita ng female personality ang aktres ay dedma lang siya, parang wala siyang nakikita, binubulag siya ng insecurity.

“E, mas deadma naman sa kanya ‘yung isa, ‘di ba? Pinapatulan ba siya? E, napaka-secure ng babaeng ‘yun, wala siyang kinaiinggitan, happy siya! Ano pa ang mairereklamo niya sa buhay at career niya, wala na!

“Alam n’yo, hindi naman kasi ang kagandahan lang ng girl ang kinaiinsekryuran ng babaeng ‘yun, e! Pati ang personal life ng girl, kinaiinggitan niya! Promise!

“E, kasi nga naman, napakaganda na ng girl, e, beautiful din ang kanyang personal life. Pinakasalan siya ng father ng mga anak niya, happy family sila.

“Siya nga naman kasi, oo nga’t beautiful girl siya, e, hindi pa rin siya pinakakasalan ng ama ng anak niya. Totoong diamond ang kinaiinsekyuran niyang babae, samantalang siya, e, tubog lang sa ginto!” nakairap pang pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Tuloy na tuloy na Kris may nilulutong panggulat!

Akala pa naman ng mas nakararami ay magiging maganda na ang sultada ng 2017 para kay Kris Aquino. Sobrang naiinip na nga siguro ang mga tagasuporta ng aktres-TV host, kaya ang pag-asa ng mga ito na meron na agad programa ang kanilang idolo sa pagpapalit ng taon ay wala pa rin.

Ipinlantilya na ng GMA-7 ang mga programa nila ngayong 2017, pero walang banggit ng programa para kay Kris ang network, nabigo na naman ang kanyang mga tagahanga.

Taas na ang kanilang mga kamay sa pagbabalik ni Kris sa ABS-CBN. Alam nilang hindi ‘yun magaganap ngayon. Himala na lang siguro ni Elsa ‘yun para sa mga ito.

Pero may mga nagbubulong naman sa amin na isang araw ay gugulatin na lang ni Kris ang lahat. Meron na raw kasing programang niluluto sa kusina ng produksiyon ni Mr. Tony Tuviera para sa Queen Of All Media.

Kuwento pa ng aming kausap, “Pigil na pigil si Kris, gigil na gigil na siyang ikuwento ‘yun para naman sumaya ang mga fans niya, pero pinagbabawalan pa siyang magkuwento.

“Alam n’yo naman si Kris, konting kibot lang, e, naka-post na siya agad ng mga kuwento sa mga accounts niya. Hindi pa panahon, may mga inaayos pa sila, pero gustung-gusto nang ilabas ni Kris ang mga plano.

“Pero meron nga. Totoo na ito, hindi na basta press relase lang. Meron siyang gagawing show, gugulatin na lang niya tayo one day,” positibong kuwento ng aming impormante.

‘Yun ang magandnag kuwento. ‘Yun ang matagal nang pinakahihintay ng mga tagasubaybay ni Kris Aquino, isang bagong programa, hindi ang kuwento ng mga lobong pink na ipinadala raw sa kanyang ng kung sino.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with