^

Metro

Kabayo hinit-and run, Greenstar bus kakasuhan

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kakasuhan ng pamunu-an ng Lawyers for Commu­ters Safety and Protection (LCSP) ang operator at dri­ver ng Greenstar Bus na bumangga sa isang kabayo sa may Ramon Magsaysay Boulevard sa Sta Mesa, Maynila.

Ito ayon kay  Atty. Ariel Inton, founder ng LCSP ay makaraang ireklamo sa kanya ng isang kutsero na may- ari ng kabayo ang pagbangga ng naturang bus sa alaga dahilan para humampas pa ang alaga sa isang pampasaherong jeep. 

 “Aalamin natin ang lahat ng detalye ng aksidente. Ngayon daw ay pilay na ang kawawang kabayo na ginagamit pa naman sa pagha-hanapbuhay ng isang mamang kutsero”, pahayag ni Inton.

“Gusto kong igiit na ayon sa batas – Republic Act 8485 o ang Animal Welfare and Act – may tinatawag na animal rights at ipinagbabawal ang pang-aapi, pang-aabuso o pag-maltrato sa mga hayop. At base sa batas na ito, idedemanda ng LCSP ang driver na nakabundol sa kabayo at papanagutin ito sa kanyang kasalanan dahil iniwan lang niya basta ang hayop at ang may-ari ,”dagdag ni Inton.
Ani Inton, hihilingin niya sa LTO na suspendihin ang lisensiya ng driver at papanagutin sa LTFRB ang may-ari ng bus  dahil sa nangyari.

vuukle comment

LAWYERS FOR COMMU­TERS SAFETY AND PROTECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with