^

Metro

3 ‘kotong cops’ huli sa bitag

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlong miyembro ng Quezon City Police District (QCPD) ang inaresto ng ka­­nilang mga kabaro sa  isang entrapment operation kaugnay sa pangongotong sa isang subject ng warrant of arrest sa Brgy. Talipapa sa lungsod, kahapon ng hapon.

Kinilala ang mga dinakip na sina PO3 Joseph Merin, PO3 Aprilito Santos, at PO3 Ramil Dazo, pawang mga nakatalaga sa warrant section ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng QCPD at isang civilian agent na nakilalang si Gaudencio Yu.

Naganap ang pag-aresto makaraang ireklamo ng isang Lluminada Leetiong, ng Barangay Talipapa, na hini-ngan umano sila ng halagang P15,000, kapalit ng umano’y pagpapalaya sa sinisilbihan ng mga ito na suspek na may warrant of arrest.

Naganap ang pag-aresto sa mismong bahay ng complainant, dakong ala 1:30 ng hapon.

Sinasabing bago ito, pinuntahan ng mga suspek ang bahay ni Leetiong para silbihan ng warrant of arrest ang anak ng huli. Pero sa halip na arestuhin ang suspek na may warrant, ay nakipag-areglo umano ang pamilya kung kaya humi­ngi umano ang mga pulis ng halagang P120,000 kay Leetiong.

Sumang-ayon naman si Leetiong pero sa halip ay dumiretso na ito sa tanggapan sa pulisya at humingi ng tulong dahilan para isagawa ang entrapment operation gamit ang boodle money na P15,000 at naaresto ang mga suspek.

Iniimbestigahan na ng QCPD ang nasabing mga pulis.

vuukle comment

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with