^

Metro

Lola inutas ng tandem

Lordeth Bonilla - Associated Press

MANILA, Philippines - Pinagbabaril at napatay ang isang 60-an-yos na lola ng riding-in-tandem ma­tapos itong dumalaw mula sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City, kahapon ng tanghali.

Dead-on-spot ang biktimang si Fatima Failan, nakatira sa Gate 1, NBP Reservation, Brgy. Poblacion ng naturang siyudad sanhi ng tinamong ilang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Nagsasagawa pa ng follow-up operation ang pulisya hinggil sa pagkakakilanlan sa mga suspect at sa ikadarakip ng mga ito.

Ayon sa inisyal na report, naganap ang insidente alas-12:30 kahapon ng tanghali sa likod ng NBP Post Office, katabi ng KORAMFIL Mission, Inc. Church, Gate1, NBP Reservation, Brgy. Poblacion, Muntinlupa City.

Katatapos lamang umano dumalaw ng biktima sa naturang bilangguan at paglabas nito ay inabangan ito ng mga suspect na magkaangkas sa isang motorsiklong walang plaka.

Kaagad pinagbabaril ang biktima at pagkatapos ay mabilis na tumakas ang mga suspect.

Habang sinusulat ang balitang ito nagsasagawa pa ng on-going investigation ang mga kagawad ng Muntinlupa City Police.

vuukle comment

NEW BILIBID PRISON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with