^

Kutob

Enero 20, 2017

Madam Rosa - Associated Press

Affirmation: Daig ng karunu­ngan ang kaalaman, higit itong pakikinabangan nang pangmatagalan.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Ang komplikasyon tungkol sa pera sa nagdaang panahon ay magkakaroon ng kalutasan. Huwag pansinin ang mga usapan na walang halaga. Lucky numbers at color for the day ay 5, 8, 16, 32 at aqua blue.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Ang payong pinansiyal ay isaalang-alang at dapat pag-aralang mabuti. May pagkakataon sa sosyalan na aktibidad, magkakaroon ng bagong relasyon sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 5, 18, 19, 29 at emerald green.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Mayaman ang guni-guni na mapapakinabangan sa pagmumuni-muni sa kaunlaran. Taglay ang maliwanag at malikhang pag-iisip na angkop sa pagpapaplano sa kinabukasan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 7, 13, 41 at jade green.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Kung ang nasa kalooban ay tapat at walang pagkukunwari, ito ang gawin. Maaaring may pagsubok mula sa kahirapan, kakapusan, relasyon o malamang sa trabaho. Matutupad ang pa­ngako. Lucky numbers at color for the day ay 1, 10, 16, 24 at yellow.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) –  Kung may transaksyon sa negosyo, dapat isagawa pagkalipas ng tanghali. Suriing mabuti ang proposisyon o suhestiyon. Iwasan ang mga mapagsamantalang kasamahan. Lucky numbers at color for the day ay 1, 6, 19, 37 at red.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Huwag patangay sa agos ng karangyaan. Magsimula ng pagba-budget at mag-impok para may madukot kung may kakailanganin sa hinaharap. Lucky numbers at color for the day ay 3, 4, 20, 40 at citrine yellow.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Angkop ang panahon sa pagpapayaman ng katalinuhan at karanasan. Ang magsaliksik sa dapat malaman ay inaayunan ng panahon. Lucky numbers at color for the day ay 2, 8, 14, 20 at sky blue.

VIRGO (Agosto 23- Set­yembre 23) – Ang mga taong malapit sa kalooban ay pahalagahan. Mahalaga ang tulong na maibibigay sa iba. Magpasalamat sa pagtanggap ng suhestiyon o mungkahi. Lucky numbers at color for the day ay 3, 9, 12, 15 at turquoise.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Maaaring tanggihan ang tulong mula sa isang kaibigan. Huwag ituloy ang isang bagay kung hindi alam ang kahihinatnan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 32, 39, 42 at pink.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Ang kalusugan ay dapat bigyan ng sapat na pag-aalaga. Maaaring magpayo ang kaibigan o kamag-anak sa kalagayang pinansyal, na dapat bigyang halaga. Lucky numbers at color for the day ay 5, 6, 18, 22 at dollar green.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Abalahin ang sarili sa paggawa sa loob ng tahanan. Sa paraang mahinahon, ang suliranin kasangkot ang ilang kasamahan ay madaling malulunasan. Lucky numbers at color for the day ay 9, 22, 29, 33 at electric blue.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Huwag magpadala sa mungkahi ng iba. Huwag mag-alinlangan sa kasintahan o minamahal. Sa mga dalaga, ang labis na pagseselos ang kikitil sa relasyon. Lucky numbers at color for the day ay 8, 9, 26, 27 at fuchsia.

 

vuukle comment

KUTOB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with