^

Bansa

Death penalty ‘di ipapataw sa menor de edad - Alvarez

Butch M. Quejada, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kahit na mapagtibay ang parusang kamatayan, hindi pa rin ito maipapataw sa mga menor de edad kahit na maisabatas ang panukalang ibaba sa 9-taong gulang mula sa 15-anyos ang edad ng criminal responsibility ng isang akusado.

Sinabi ni House Speaker Pantaleon Alvarez, may akda ng pag-amyenda sa “Juvenile Justice and Welfare Act of 2006” o Republic Act 9344 na maingat nang tinatalakay ng Kamara ang nasabing panukala.

Subalit nilinaw ni Speaker na hindi ipapataw ang parusang kamatayan sa mga menor de edad kahit pa mapagtibay ang nasabing panukala. 

Bagamat tinatalakay na rin umano ang pagbabalik ng parusang kamatayan na siya rin ang pangunahing may-akda ay magkahiwalay naman ang layunin ng dalawang panukala.

Sa pagpapababa ng edad ng criminal responsibi­lity, hangad lamang nito na maitanim sa isipan ng mga menor de edad na mayroon na silang pananagutan sa batas bukod sa obligasyon at responsibilidad sa lipunan.

Subalit dadaan pa rin sila sa proseso ng rehabilitasyon at hindi rin isasama sa mga talamak na kriminal kapag nahatulan na ng korte.

Bilang ama ay nangangamba rin umano si Alvarez para sa mga kabataan dahil ginagamit na kasabwat ng mga sindikato ang mga menor de edad lalo na sa drug trafficking dahil sa umiiral na batas na hindi maaaring papanagutin sa krimen ang mga menor de edad.

vuukle comment

REPUBLIC ACT 9344

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with