^

Police Metro

14-anyos dedo sa suntok ng 16-anyos

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 14-anyos na binatilyo matapos tumumba sa suntok ng kaaway nito na isang 16-anyos sa loob ng bakeshop na kanilang pinagtatrabahuhan sa Poblacion West, Salug, Zamboange del Norte, kahapon ng madaling araw.

Ang nasawi ay kinilalang si Jemar Mangayao na nagtamo ng mga pasa at suntok sa halos buong bahagi ng katawan nito.

Itinago naman sa pangalang Freddie  ang suspek na inaresto ng pulisya at ibinigay sa kustodya ng lokal na Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Nabatid na nagkaroon nang mainitang pagtatalo ang biktima at suspek na kapwa panadero sa Miracle Bakeshop na humantong sa suntukan.

Dahilan higit na maliit at mahina ay nabugbog ng husto ang biktima hanggang sa dumaing ito ng paninikip ng paghinga at himatayin.

Nagawa pang maisugod sa pagamutan ang biktima pero nabigo ng maisalba ang buhay nito.

vuukle comment

BINATILYO MATAPOS TUMUMBA SA SUNTOK NG KAAWAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with