^

Metro

Maynila paliliwanagin vs krimen

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Mas maliwanag na taong 2017 ang inaasahan kung saan sisimulan ng pamahalaang lungsod ng Maynila ngayong Enero ang pagdadagdag ng 4,500 na lamp posts sa buong Kamaynilaan.

Ayon kay City Electrical Division chief, Engr. Lorenzo Alconera ipagpapatuloy nila ang street lighting program sa taong 2017 sa buong siyudad, kung saan makakatulong ito sa pagpapaganda at pag-angat ng komersyo sa lungsod, at gayundin ang pagbaba ng bilang ng krimen tuwing gabi.

Tiniyak ni Alconera ang pagfull blast ng lahat ng mga proyekto sa taong 2017 ay dahil bayad na ang P5.5 bilyong utang ng siyudad na iniwan ng nakaraang admi­nistrasyon.

Sinabi pa ni Alconera na target ng pamahalaang lokal ang P300 milyong budget para maitayo ang nasa 4,500 na streetlights sa 156 na kal­ye para sa susunod na taon.

Ipinaliwanag naman ni  Manila Police  District Director Chief Supt. Joel Coronel na malaking tulong ang pagpapailaw laban sa krimen dahil mas madaling makikilala at makikita ang krimen na kaakibat naman ng mga ilalagay na closed circuit television (CCTV).

Ani Coronel, kadalasang hindi napapansin ang  mga krimen  bagama’t may CCTV dahil na rin sa  kawalan ng liwanag sa lugar. Subalit  sa  liwanag at CCTV  naniniwala  si Coronel na madaling ma­reresolba ang  iba’t ibang  mga krimen sa lungsod.

Nagpahayag naman ng  suporta  ang mga station commanders sa  hakbangin ng  city government  at MPD.

Ayon kina MPD-Station  3 chief, Supt. Santiago Pascual; MPD- Station-11 chief, Supt. Amante Daro; MPD-Station 1 chief, Roberto Domingo; MPD-Station 4 chief, Supt. Aquino Olivar at MPD-Station 8 chief, Supt. Olivia Sagaysay  dapat lamang na maayos ang mga poste sa lungsod na malaking tulong sa publiko gayundin  sa mga awrtoridad.

vuukle comment

ENGR. LORENZO ALCONERA

CITY ELECTRICAL DIVISION CHIEF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with