^

Punto Mo

‘Kriminal, dorobo sa sementeryo’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

TULOY-tuloy ang dagsa ng mga tao sa mga sementeryo.

 Sa mga dumadalaw na sa puntod ng kanilang mga yumao at sa mga pupunta pa lang, muling nagpapaalala ang BITAG.

 Maging ‘lerto at ‘listo sa lahat ng oras sa inyong kapaligiran. Maging paladuda sa mga lumalapit na estranghero. Huwag basta-basta maniniwala sa kanilang mga boladas.  

 Alam ng mga masasamang-loob na marami sa mga kababayan natin ngayon ang nasa labas. Sementeryo ang nagsisilbi nila ngayong palaruan.

 Kuwidaw! Baka sa sobrang abala n’yo sa pagkukuwentuhan at konting kasiyahan, masa­lisihan at madukutan kayo ng mga kawatan.  

 Sa mga lumalapit na hindi ninyo kakilala o kamag-anak huwag agad magpapaniwala. Parang mga multong bigla nalang sumusulpot saka magpapakilala.

 Pinapaalalahanan din ang mga magulang. Hanggat maaari iiwan nalang ang inyong mga maliliit na anak sa bahay.  Huwag nang sumabay sa dagsa ng mga tao at ipaki-pagsapalaran ang kanilang kaligtasan.

 Kung hindi talaga maiiwasan, huwag tatanggalin ang inyong paningin sa mga bata. Lalo na at marami pa ang mga inaasahang pupunta sa mga libingan.

 Mabuting maglagay ng mga maliliit na note o papel sa kanilang mga bulsa o medyas. Magandang ideya rin ang pagpapasuot ng mga ID card. Sakaling magkawalaan, may mga impormasyon ang mga awtoridad.

 Tandaan, hindi garantiya ang nakapalibot na pwersa ng mga alagad ng batas na ligtas na ang publiko sa mga kriminal at dorobo. Oportunidad lang ang kanilang hinihintay.  

 Mag-ingat, mag-ingat!

 Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa iba pang mga palabas, mag-subscribe sa BITAG OFFICIAL YouTube channel.

vuukle comment

BEN TULFO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with