Pulis itinumba sa palengke
NORTH COTABATO, Philippines - Hindi nakaligtas kay kamatayan ang pamangking pulis ng ex-police chief matapos itong pagbabarilin ng mga hindi kilalang lalaki sa gilid ng national highway sa Barangay Poblacion, bayan ng Pikit, North Cotabato kahapon ng madaling araw. Kinilala ni P/Chief Insp. Bryan Placer, hepe ng Pikit PNP ang biktima na si PO2 Abeking Dandan, nakatalaga sa investigation section ng Pikit PNP at sinasabing pamangkin ng dating hepe ng Pikit PNP. Base sa police report, kasama ng biktima ang kanyang misis sa bisinidad ng palengke para magkape nang lapitan at ratratin bandang alas-4 ng madaling araw habang patuloy naman ang pagsisiyasat.
- Latest