Shootout: Drug pusher bulagta
NORTH COTABATO, Philippines - Patay ang isang drug suspek matapos itong manlaban sa mga pulis sa inilatag na buy-bust operation sa public market sa bayan ng Buenavista, Agusan del Norte kamakalawa ng gabi. Ayon kay PO2 Antero Brena, tinangkang putukan ng suspek na si Jeffry Hermosa ang poseur-buyer na pulis kaya inunahan na siyang putukan ng mga pulis. Nabatid na nakaamoy si Hermosa na mga pulis ang katransaksiyon kaya binaril na ito ng mga pulis na nagresulta sa kanyang kamatayan. Nabatid na kilalang drug pusher si Hermosa subalit hindi sumuko sa Oplan Tokhang na ipinatupad ng pulisya. Narekober sa encounter site ang cal. 38 revolver na ginamit ni Hermosa at ilang basyo ng bala ang baril.
- Latest