^

Bansa

Full alert sa BFP

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inatasan ni Interior and Local Government Secretary Ismael D. Sueno ang kagawaran ng Bureau of Fire Protection (BFP) na ilagay sa full alert status ang pagdiriwang ng araw ng Undas o All Saints’ Day sa sandaling umatake ang insidente ng sunog at iba pang emergencies na maaring mangyari habang ipinagdiriwang ang nasabing okasyon.

Ayon kay Sueno, kailangang handa ang mga pamatay-sunog sa pagtugon sa anumang emergency na maaring mangyari sa nasabing araw, dahil sa libong Filipino ang nagsisimula nang magtungo sa mga sementeryo para magbigay respeto sa mga namayapa nilang mahal sa buhay.

Sabi pa ng kalihim, hiniling niya sa BFP na tumulong sa pagreserba ng kapayapaan at kaayusan, at pagbabantay sa mga lugar, partikular sa mga pampublikong sementeryo.

Bukod sa pagiging full alert sa araw ng Undas, magsasagawa rin ang BFP ng malawakang pana­wagan sa publiko para sa aktibong partisipasyon kaugnay sa pag-iingat sa sunog at kampanya para sa ligtas na pagbiyahe sa mga kalsada.

Partikular na inatasan ni Sueno ang bagong BFP-National Capital Region (NCR) Regional Director Senior Supt. Wilberto Rico Neil Kwan Tui na atasan ang kanyang mga tauhan na magbantay ?24/7 lalo na sa mga kabahayan at mga pribadong sementeryo.

Bilang tugon, sabi ni Kwan Tiu, ipapakalat niya ang mga sinanay na rescuers sa mga semen­teryo, mga terminal at mga highway para umasiste at tumugon sa sandaling magkaroon ng emergencies sa araw ng Undas.

Dagdag pa nito, magdi-display din ang mga fire marshal sa Metro Manila ng mga posters at tarpaulins sa harap ng mga fire stations, sa mga gilid ng fire trucks, sa mga kalye, upang ipaalala sa nagdaraang motorista na maging maingat sa pagmamaneho para iwas aksidente.

vuukle comment

BFP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with