^

Punto Mo

EDITORYAL - Mag-ingat sa pagtanggap ng mga aplikanteng magpupulis

Pang-masa

ANG Philippine National Police (PNP) na rin ang dapat sisihin kung bakit maraming pulis ang sangkot sa illegal na droga ngayon. Hindi naging mahigpit ang PNP sa pag-screen sa mga aplikanteng pulis at dampot lamang nang dampot. Ang resulta, nadudumihan ang imahe ng PNP sapagkat marami sa kanilang miyembro ang protector ng drug syndicate, pushers at gumagamit mismo ng shabu.

Kakatwa ang nangyayari sapagkat habang patu-loy ang PNP sa kanilang “Oplan Tokhang” at araw-araw ay may napapatay na drug suspects sa police operations, may mga kabaro silang patuloy pa rin sa pag-recycle ng shabu. Sinasamantala nila dahil marami ang nangangailangan ng shabu sa kasalukuyan. Hindi natatakot at patuloy sa kanilang buktot na gawain. Malaki ang kanilang kinikita sa pagtutulak ng shabu lalo na ngayong tumaas ang demand.

Maraming pulis na addict. Ayon sa PNP-Crime Laboratory marami sa kanilang miyembro ang gumon sa shabu, ecstacy at iba pang illegal drugs. Sa isinagawang random testing sa may 159,000 pulis, nagpositibo sa droga ang 174. Ayon pa sa report, karaniwang Police Officer 1 (PO1) at Police Officer 2 (PO2) ang mga addict sa droga. Ihahanda na raw ng PNP ang pagsasampa ng kaso sa mga pulis na gumagamit ng droga at sinisigurong masisibak sila sa serbisyo. Hindi umano hahayaang manatili sa serbisyo ang mga mapapatunayang sangkot sa illegal na droga.

Noon pa, marami nang napabalitang mga pulis na sangkot sa bawal na droga. Nakapagtataka lamang kung bakit maluwag ang PNP sa pagtanggap ng mga aplikanteng magpupulis. Dapat magkaroon na ng masusing pagsisiyasat sa pagkatao ng mga aplikante. Mahirap kung makapasok na sa PNP ang mga addict. Kawawa ang taumbayan kapag sila ang nasa kalye.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with