^

PSN Showbiz

Jerome limot agad si Elisse dahil kay Mika

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Jerome limot agad si Elisse dahil kay Mika
Jerome at Mika

May bulung-bulungan na nagka­ka­mabutihan na raw si Jerome Ponce at ang Volleyball player na si Mika Reyes. “Ayokong manggaling sa akin. Ayokong maging assuming. Gusto ko na lang makita ng tao kung ano talaga kami,” bungad ni Jerome.

Sa ngayon ay si Mika talaga ang nagsisilbing inspirasyon ng binata. Una raw nagkakilala ang dalawa nang mag-guest si Mika sa ASAP ilang buwan na ang nakalilipas. “Nag-get along kami with friends. She’s really nice no’ng na-meet ko na, lalo na no’ng nanonood ako ng games nila. We’re getting to know each other more and more,” kwento ng aktor.

Ayon pa kay Jerome ay na kay Mika ang mga katangian na hinahanap niya sa isang babae. “More on sa pagkatao talaga niya. Siguro ‘yung iba, ang alam mayabang, masyado siyang bully and stuff. But deep inside, she’s loveable,” giit ni Jerome.

Samantala, masaya raw ang aktor para sa dating kasintahan na si Elisse Joson. Nakikilala na ngayon ang baguhang aktres dahil sa kabi-kabilang proyekto nito. “Happy ako para sa kanya siyempre. Matagal na rin naman niya na gustong magkaroon ng trabaho at makilala, mas lalong makita ang pagkatao niya,” nakangiting pahayag ni Jerome.

Hindi man nagkaroon ng closure sa kanilang naging relasyon ay masaya naman na raw ang aktor ngayon. “Wala pang closure, may dumating agad. Mas okay ‘di ba? Hindi ko in-expect sa sakit na naramdaman ko, mayroon palang biglang isang iglap na nagpapasaya sa akin,” pagtatapos niya.

Michael Pangilinan wala pang oras na makilala si Gabby

Limang buwan nang hindi nakikita ni Michael Pangilinan ang anak na nasa poder ng ina nito. Hanggang ngayon ay inaayos pa rin ng abogado ng singer ang tungkol sa custody para sa anak. “Siyempre hindi maganda ‘yung feeling na gano’n, na five months mong hindi nakikita ang anak mo pero wala ka namang magawa kasi wala ka pang rights. Basta kapag wala pang magawa mahirap. Pumapayag sila na bumisita ako do’n, pero hindi ‘yon ‘yung gusto ko. Masasanay na lang kasi sila na lagi akong bumibisita do’n. Siyempre, may magulang din ako, may lolo din at lola ‘yun sa kabilang side, sa side ko. May tito din ‘yon sa side ko, may pinsan. Hindi naman pwedeng lahat kami pupunta sa kanya. Ano siya, Diyos?” emosyonal na pahayag ni Michael.

Umaasa ang singer na madadala rin niya ang anak sa kanilang bahay bago magtapos ang taon. “Ayoko pong magbigay ng date pero sana before matapos ang taong ito maging okay na,” giit niya.

Sa ngayon ay ang anak ni Gabby Concepcion at Grace Ibuna na si Garie ang kasintahan ni Michael. Naipakilala na raw ni Garie ang singer sa kapatid nitong si KC Concepcion pero hindi pa naipapakilala sa ama. “Busy lang kasi kaya hindi pa kami nagmi-meet. Pero ‘pag okay na ‘yung schedule niya, magkakakilala din kami,” nakangiting pahayag ni Michael.

vuukle comment

JEROME PONCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with