^

Probinsiya

‘Narco-mayor’ arestado sa bulto ng armas at bala

Joy Cantos, Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon
�Narco-mayor� arestado sa bulto ng armas at bala
Libungan Mayor Cuan

NORTH COTABATO, Philippines – Arestado ang isang alkalde na sinasabing kabilang sa umano’y narco-politicians na tinukoy ni Pangulong Rodrigo Duterte makaraang salakayin ang apat nitong bahay sa Barangay Kabaruyan, bayan ng Libungan, North Cotabato kahapon ng madaling araw.

Sa ulat na isinumite sa Camp Crame, kinilala ang suspek na si Libungan Mayor Christopher “Amping” Cuan.

Sa bisa ng 20-search warrants na inisyu ni Judge Alandrex Betoya ng Kabacan Regional Trial Court Branch 16, North Cotabato ay magkakasunod na ni-raid ang apat na bahay ni Mayor Cuan dakong alas-3 ng madaling araw na tumagal hanggang alas-6 ng umaga.

Nabatid na tatlo sa bahay na ni-raid ng mga ope­ratiba ng pulisya ay nasa compound habang ang isa pang bahay ay nasa pag-aaring gasolinahan ng pa­milya Cuan.

Ang operasyon ay isinagawa ng mga operatiba ng Regional Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force (AIDSOTF) katuwang ang RPSB 12 kaugnay ng umano’y pagmimintine ng alkalde ng mga armas na walang lisensya at pagkakasangkot sa sinasabing drug trade.   ?

Nakumpiska sa operas­yon ang 119 rounds ng bala ng cal. 40 pistol, 116 rounds ng bala ng cal. 45 pistol, steel magazine ng cal. 45 pistol, caliber 5.56 bushmaster, M16 rifle, 70 rounds ng cal. 5.56 steel magazine na may mga bala, 3-cal 5.56  steel magazine, cal. 45 pistol, magazine ng cal. 45 pistol, 244 cartridge ng cal. 45 pistol, 40 cartridge ng cal. 9mm pistol, 12 gauge shotgun, apat na rounds ng 12 gauge shotgun, cal. 45 Colt 1911, steel magazine double column ng cal. 45 pistol na may siyam na bala, steel magazine ng Carbine rifle na may 13 bala at iba pa. Nasamsam din ang P75,270.00 cash.

Walang maipakitang kaukulang dokumento si Mayor Cuan kaugnay sa mga nakumpiskang armas kaya pansamantalang isinailalim ito sa kustodiya ng Criminal Investigation and Detection team ng North Cotabato habang inihahanda ang pagsasampa ng kaukulang kaso.

Magugunita na kabilang si Mayor Cuan sa talaan ni Pangulong Duterte na nasa narco-list ng mga pulitikong sangkot sa drug trade. 

vuukle comment

NARCO-MAYOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with