^

PSN Palaro

Sinu-sino ang makukuha?

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Sinu-sino ang makukuha?
Raphael Banal, Gelo Alolino, at Jonathan Grey

MANILA, Philippines – Sa paghahayag ng PBA teams ng napili nilang miyembro ng Gilas Pilipinas bago ang regular draft, ang huhulaan na lamang ay kung sino ang hihiranging No. 1 overall pick ng 2016 PBA Rookie Draft ngayong hapon sa Robinson’s Place sa Ermita, Manila.

Ilan sa mga inaasahang pag-aagawan sa first round ay sina guards Raphael Banal, Gelo Alolino at Jonathan Grey at big men Joseph Eriobu at Jammer Jamito.

“Maganda ‘yung kinilos nila para sa big guys,” sabi ni coach Leo Isaac ng Blackwater na maghihirang sa No. 1 overall pick. “Pero ang iisipin mo lang ay kung makaka-compete kaya sila sa mga big guys sa PBA?”

Sina Eriobu at Jamito ay nakasama sa Mythical Five ng mini-tournament sa PBA Draft Combine kasama sina guards Jiovani Jalalon, Reden Celda at Mike Tolomia.

Hinahanap naman ng Meralco, nabigo sa Barangay Ginebra sa nakaraang 2016 PBA Governor’s up Finals, ang isang magaling na big man.

“We’re not really sure who that will be, but we’re guaranteed a good player at No. 7,” sabi ni coach Norman Black na kukuha sa No. 7 overall pick.

Ang Blackwater ang pipili sa No. 1 overall pick kasunod ang Phoenix, Ginebra, Mahindra, Star, San Miguel Beer, Meralco, NLEX, Rain or Shine, Ginebra, Alaska at Phoenix sa first round.

Sa second round ay ang NLEX ang unang huhugot ng player kasunod ang Rain or Shine, Globalport, Meralco, Alaska, Rain or Shine, Globalport, Phoenix, Rain or Shine, Mahindra, Alaska at Phoenix.

Mula sa inisyal na 55 aplikante ay tanging sina Kobe Charley Caluya at Jordan dela Paz lamang ang inilaglag sa listahan ng mga draftees.

Bago ang regular draft ay ihahayag muna ang mga Gilas Pilipinas players na pinili ng 12 PBA teams noong Huwebes sa isang ‘pre-determined draft’ sa pulong ng PBA Board.

Ang mga players ng Gilas Pilipinas pool ay sina Jalalon, Tolomia, Mac Belo, Arnold Van Opstal, Kevin Ferrer, Ed Daquiaog, Roger Pogoy, Russell Escoto, Von Pessumal, Carl Bryan Cruz, Alfonso Gotladera at Matthew Wright.

Sa nasabing pre-determined draft ay kinuha umano ng Blackwater si Belo, habang pinili ng Ginebra si Ferrer at hinugot ng NLEX si Daquioag, dinakma ng Rain or Shine si Tolomia at tinapik ng Meralco si Pogoy.

Pinili ng San Miguel ang 6-foot-9 na si Van Opstal, hinirang ng Star si Jalalon at kinuha ng Phoenix si Wright.

Pagpipilian naman ng Alaska, TNT Katropa at Globalport sina Cruz, Gotladera at Pessumal.

Samantala, hinugot ng Meralco si veteran guard Joseph Yeo mula sa Globalport kapalit ni slam dunker Rey Guevarra via one-on-one trade.

Muling maglalaro sa Bolts si Guevarra, naging bahagi ng two-team, six-player deal noong 2013 na kinabibila­ngan nina Sol Mercado at Vic Manuel.

vuukle comment

GILAS PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with