^

Police Metro

P. 2-M reward sa killer ng Singaporean trader

Lordeth Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nag-alok na kahapon ng P .2 M reward ang pa­milya ng isang negosyanteng Singaporean para sa ikadarakip ng mga salarin na responsable sa  pamamaril at pagkakapatay sa biktima noong Agosto ng taong ito sa Parañaque City.

Ayon kay Senior Supt. Jose Carumba, hepe ng Parañaque City nagtungo sa kanilang tanggapan ang isang Pinay na si Rovelyn Jang, nasa hustong gulang upang humingi ng tulong at magbibigay  ito ng pabuya ng halagang P200,000.00 sa  sinumang makapagbigay ng impormasyon para sa  ikadarakip ng mga nasa likod nang pagpatay sa kanyang asawang si Stanley See Wie Jang, 26 anyos.

Ayon sa ginang noong Agosto 5 nang pasukin at barilin sa loob ng kanyang opisina ang kanyang asawa  na kung saan hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa nabibigyan ng katarungan ang pagpatay dito.

Naghihinala naman ang ginang na may kinalaman sa negosyo ang pamamaslang sa kaniyang mister.

Samantalang, nanawagan naman ang pulisya sa sinumang may nalalaman tungkol sa kaso na makipag-ugnayan sa kanila sa hotline numbers sa 0998-5676753/ 7220955 / 7268632 sa tanggapan ng Parañaque City Police at Criminal Investigation Detection Group ng Southern Metro Manila. 

vuukle comment

SINGAPOREAN TRADER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with