^

Police Metro

7 anyos ni-rape slay sa sementeryo

Lordeth Bonilla - Pang-masa
7 anyos ni-rape slay sa sementeryo
Ang nadakip na killer-rapist ng paslit na kinilalang si Jay-Ar Payawal na kapitbahay ng biktima.
Joven Cagande

MANILA, Philippines – Mahigit isang linggo bago ang paggunita sa UNDAS, isang pitong taong gulang na batang babae  ang ginahasa at pinaslang ng kanilang kapitbahay sa loob ng isang sementeryo sa Ma­labon City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Police Senior Supt. John Chua, hepe ng Malabon City Police ang biktimang si Maria Nelia Ramos,  residente ng  #87 Acero St., Brgy. Tugatog ng natu­rang lungsod.

Arestado  naman  at ngayong nakapiit na  detention cell ng  Malabon City Police na nahaharap sa kasong rape with homicide  ang suspect na si Jay-R Payawal, 30 taong gulang.

Lumabas sa pagsisiyasat  ng pulisya, alas-9:30 ng gabi nang matagpuan ni PO1 Do­nald Lopez ng Malabon Police Community Precinct (PCP) 4 ang  biktimang si Ramos  na basag ang bungo,  walang saplot na pang-ibaba at wala ng buhay  sa loob ng Tugatog Cemetery sa Dr. Lascano St., ng naturang lugar.

Positibong itinuro ng isa sa mga testigo na hu­ling kasama ng bata ay si Payawal at kaagad itong inaresto ng mga kagawad ng Malabon City Police sa pamumuno ni  Sr. Inspector Joseph Gordovez.

Ayon pa sa pulisya, may mga palatandaan na hinalay muna ang bata bago pinalo o iniuntog ng ilang beses ang ulo sa semento hanggang sa mamatay.

Sa tala ang suspect ay  nasa listahan ng Brgy. Anti-Drug Abuse Council (BADAC) ay una nang sumuko sa Oplan Tokhang ng PNP.

vuukle comment

UNDAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with