Romero bisita sa PSA Forum
MANILA, Philippines - Tatalakayin ng bagong halal na party list representative na si Mikee Romero ang kanyang plataporma at mga programa sa pagdalo sa lingguhang Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Shakey’s Malate.
Si Romero, may-ari ng Globalport franchise sa PBA, ang no. 1 nominee ng party list One Patriotic Coalition of Marginalized Nationals o 1-Pacman, ay tumanggap ng 1,637, 795 votes sa nakaraang national elections.
Matagal nang isinusulong ni Romero ang pag-likha ng Department of Sports.
Ang unang bahagi ng session na maririnig ng live sa DZSR Sports Radio 918 at handog ng San Miguel Corp., Accel, Shakey’s at Philippine Amusement and Gaming Corp., ay katatampukan ng national karate team na lumahok kamakailan sa Vietnam Open.
Ang magsasalaysay ng naging kampanya ng mga karatekas ay sina gold medal winners Jaime Villegas at Jojo Vasquez, kasama si head coach Raymund Reyes.
- Latest