^

PM Sports

Warriors itinarak ang 2-0 lead: Rockets at Wizards ibinaon ang Thunder, Hawks

Pang-masa

OAKLAND — Hindi maganda ang outside sho-oting ni Stephen Curry. Umupo lamang sa bench ang may injury na si Kevin Durant. Naging malamig naman ang mga kamay ni Klay Thompson.

Ngunit hindi na kinailangan ng Golden State Warriors ang kanilang injured all-world forward at maski ang pagkamada ng All-Star backcourt nila para kunin ang 2-0 abante laban sa Portland Trail Blazers sa first-round playoff series.

Sa kanilang 110-81 panalo sa Game Two ay ang matibay na depensa ang ginamit ng Warriors para talunin ang Blazers.

Ang pagkakaroon ng koleksyon ng mga scorers ang nagpapanalo sa Golden State, ngunit pumuwesto sila sa top five defensive teams sa huling apat na sunod na taon.

Kaagad nadepensahan ni Thompson si CJ McCollum, umiskor ng 27 points sa first half points sa Game One noong Linggo, sa pagsisimula ng laro.

“They got away with a lot,” sabi ni Portland star guard Damian Lillard sa Golden State. “They were able to play really physical and it went into their favor.”

Tumipa si Curry ng 19, habang may 16 markers si Thompson at humakot si Draymond Green ng 12 rebounds, 10 assists at 6 points para ibaon ng Warriors ang Blazers sa kanilang bakbakan.

Sa Houston, humataw ang Rockets sa fourth para pabagsakin ang Oklahoma City Thunder, 115-111, sa Game Two at iposte ang 2-0 abante sa serye nila.

Naglista si James Harden ng 35 points at 8 assists para sa pagbangon ng Houston mula sa 14-point deficit at resbakan ang Oklahoma City.

Pinamunuan ni Russell Westbrook ang Thunder mula sa kanyang 51 points.

Sa Washington, isinuko ng Wizards ang itinayong double-digit lead, ngunit nakahabol sa final canto para agawin ang 109-101 panalo laban sa Atlanta Hawks at kunin ang 2-0 bentahe sa kanilang serye.

Tumapos si point guard John Wall na may 32 points at 9 assists, samantalang nagdagdag naman si Bradley Beal ng 31 points para banderahan ang panalo ng Wizards laban sa Hawks.

vuukle comment

WARRIORS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with