^

Bansa

Duterte balik Pinas na

Butch M. Quejada, Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Duterte balik Pinas na
Masayang nakipagkuwentuhan si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga nakauwi nang OFWs nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 kahapon ng madaling araw.
Kriz John Rosales

MANILA, Philippines - Nakabalik na kahapon ng madaling araw sa bansa si Pangulong Duterte matapos ang kanyang state visits sa Saudi Arabia, Bahrain at Qatar.

Tinawag ng Pangulo na pinaka-produktibong biyahe ang kanyang naging pagbisita sa mga nasabing bansa.

Nangako ang Pangulo na tutulong ang gobyerno para sa repatriation at kabuhayan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) kasabay ang pag-welcome sa mahigit 100 amnesty availees mula sa Saudi Arabia.

“We will continue to provide… lahat ng gustong umuwi. Lahat ng gustong umuwi na Pilipino doon, makakauwi. Gastusan natin ‘yan,” pahayag ng Pangulo sa kanyang talumpati sa Ninoy Aquino International Airport.

Nagbiro pa ang Pangulo na ipadadala niya ang eroplano ng Philippine Air Force para maiuwi ang mga distressed Filipinos.

Biniro rin ng Pangulo ang mga OFW na magbibigay siya ng P50 million bilang pa­nimulang kapital sa negosyong gagawin nila pero ito ay agad niyang binawi at nagsalitang ‘nagbibiro lang ako, pawala ng antok.’

Nauna rito, nasa 138 Pinoy kabilang ang 63 mga babae, 55 lalaki at 20 bata ang nakabalik sa bansa matapos mag-avail ng amnesty program ng Saudi Arabia.

Ayon pa kay Duterte, siya ang maghahanap ng pera para sa pagbabalik sa bansa ng mga gustong bumalik na sa Pilipinas na OFWs. 

Bibigyan din aniya ng gobyerno ng puhunan ang mga gustong magsimula ng negosyo.

“Magbigay kami ng... nagbubuhos ako dito billion. Mag-aral o turuan kayo mag-aral ng business ninyo. Tailoring, mapa-bakery. Tapos bibigyan kayo ng capital,” sabi ng Pangulo.

Pinayuhan ni Duterte ang mga OFW na magtungo sa tanggapan ng Department of Trade and Industry (DTI) sa kani-kanilang rehiyon.

Ang mga na-repatriate na OFWs ay nakatanggap ng P5,000 sa Pangulo at P5,000 mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

vuukle comment

DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with