^

Pang Movies

Manliligaw ni Kris naging ex daw ng nanay ng mga anak ni Marlon

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Marlon inisip daw magpakamatay?!

And the plot thickens.

Pasabog ang mga kuwento ng lola ni Marlon Stockinger tungkol sa ex nitong model na si Kit Barraquias.

Nakatsika ni Tita L ang nagpakilalang lola ni Marlon nang magkita sila sa isang sikat na salon sa Quezon City.

Nag-umpisa ang kuwentuhan nila nang batiin ni Tita L ang suot na diamond earrings ng lola umano ng Fil-Swiss car racer. Ang sagot daw ng lola na alam mong may foreign blood, vintage kasi ang nasabing diamonds.

At doon na naungkat ang lahat.

Nabanggit ni lola na abonito ang tawag kay Marlon ang pinagdaanan ng apo noong magkahiwalay sila ni Kit.

Seventeen years old lang daw noon si Marlon nang magkarelasyon sila ng model. Pero pansamantalang naghiwalay. At hindi na nagkabalikan.

Doon na raw nabalitaan ng actor na nakipagrelas­yon na diumano si Kit sa nababalitang manliligaw ni Kris Aquino ngayon na si Renan Morales (na na­ging ex din ng ibang sexy star) na anak ng umano’y producer naman ni Kris sa kanyang comeback show na eere sa GMA.

Doon na raw nag-emote ng lola ni Marlon ang dinanas ng kanyang abonito sa hiwalayan nila noon ni Kit. “He almost committed suicide. The mom was so angry. And I can’t blame her,” kuwento ni Tita L na sinabi ng lola.

Iyak daw nang iyak ang apo niya at talagang nahirapan sa nangyari dahil tiniti­ngala pala noon ni Marlon si Renan na magaling ding karerista ng kotse at lumalaban sa international competition.

Banggit pa raw ni Lola, muntik pang idemanda ng nanay ni Marlon ng seduction of minor ang nasabing model na 27 na noon.

Bukas ang pahinang ito sa anumang maaring paliwanag ng mga taong sangkot particular na sina Ms. Kit and Mr. Renan.

Anyway, mukhang hindi na­man affected sina Marlon at girlfriend niyang si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach sa pag-amin ni Kit sa kaibigang Arniel Serato ng pep.ph na ang car racer ang ama ng kambal niya dahil si Pia ang kapiling niya (Marlon) sa kanyang 26th birthday celebration base sa kanyang IG post.

vuukle comment

MARLON STOCKINGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with