^

PSN Opinyon

Pagtibay ng ating karapatan

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

PINAG-IISIPAN na ng gobyerno na baguhin ang pangalan ng Benham Rise. Ang dahilan ay para mas mapatibay ang ating karapatan sa nasabing lugar sa karagatan. Hindi pag-aari, kundi karapatan para pakinabangan ang mga likas na kayamanan na maidudulot ng lugar. Ang panukala ay tawagin nang “Philippine Rise”. Pinag-aaralan na ang mga legal na basehan para maganap ito. Kung papayagan ang pagpalit ng pangalan, wala na talagang kuwestiyon at argumento sa kung sino ang puwedeng makinabang sa lugar.

Malaking bagay ang pangalan. Ang isang halimbawa ay ang South China Sea. Kung minsan, gusto nating tawa­ging West Philippine Sea, para ipakita na tayo ang may karapatan sa Spratlys at Scarborough Shoal. Pero dahil South China Sea ang tanggap na pangalan ng karagatan, tila patunay umano ito na sa China ang buong karagatan. Wala talagang kinikilalang West Philippine Sea. Ang Philippine Sea naman ay nasa silangang bahagi ng bansa, kabilang sa Pacific Ocean.

Nagiging mahalaga na ang magpahayag ng ating karapatan sa Benham Rise, dahil sa nadiskubreng barko ng China sa nasabing lugar, na nanatili ng tatlong buwan. Sa ngayon ay hindi pa nga matiyak kung ano ang ginawa ng barko sa loob ng tatlong buwan, pero walang naniniwala, maliban na lang siguro kay Pres. Rodrigo Duterte, na inosenteng paglayag lang ang kanilang ginawa. Walang problema kung “dumadaan” lang sila. Pati nga mangisda ay hindi malaking isyu. Pero kung sinisiyasat ang sahig ng karagatan para sa mga yaman na makukuha, ibang usapan­ na iyan. Ayon sa DFA, ilang beses na silang humihingi ng pahintulot na gawin ito, pero hindi ibinigay ng DFA dahil walang kasamang Pilipinong dalubhasa o eksperto sa kanilang pagsisiyasat. Nagsimula na rin ang pag-patrol ng Philippine Navy sa Benham Rise. Ano kaya ang mangyayari, kung may makita muling barko ng China? Mauulit ba ang naganap sa Scarborough Shoal noong 2012, kung saan nagpadala ang China ng malalaking barko para harapin ang barko natin? O aalis na lang dahil walang batayan para sabihin na may karapatan din sila sa Benham Rise?   

vuukle comment

KARAPATAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with