^

Pang Movies

Lani ramdam ang pag-iisa ni Sen. De Lima

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Sincere at walang halong kaplastikan ang awa na nararamdaman ni Bacoor City Mayor Lani Mercado para kay Senator Leila de Lima.

Babae at nanay rin si Lani kaya alam niya ang pakiramdam ng isang ina na nangungulila sa kanyang mga anak.

Nag-iisa lamang si De Lima sa kulungan nito sa PNP Custodial Center kaya may idea si Lani sa pinagdaraanan ng ex-justice secretary na nagpakulong sa kanyang mister na si Bong Revilla, Jr.

Mula nang mapiit si Bong sa PNP Custodial Center, nagbago na ang takbo ng buhay ng mga Revilla pero hindi sumuko si Lani dahil ang malakas na faith sa Panginoon ang umiiral sa kanya.

Importante ang suporta ng pamilya para hindi tuluyang malulong sa depression ang mga kagaya ni De Lima.

Walang alam si Lani tungkol sa personal na buhay ni De Lima na may tatlong anak pero hiwalay sa asawa.

Ito ang mga panahon na kailangan ni De Lima ng moral at emotional support ng pamilya niya dahil sa totoo lang, nakakaloka ang makulong na nag-iisa, kahit cute ang mga nakabantay na miyembro ng Philippine National Police.

Ballpen at papel lang ang kasama

Bawal nang magpainterbyu o mainterbyu si De Lima dahil nakakulong na nga siya.

Nakakabagot ang makulong kaya ang pagsusulat ang pinag-aaksyahan ng panahon ni De Lima.

Ballpen at papel lamang ang puhunan ni De Lima para maiparating niya sa media ang kanyang mga emote.

At least, may outlet siya para mailabas ang sama ng loob at stress na nararanasan. ‘Yun nga lang, effort ang magsulat, gamit ang kamay dahil nakakakalyo ito.

Kung allowed si De Lima na magbasa ng diyaryo, siguradong nabasa na niya ang mensahe ni Lani para sa kanya.

Inspiring at encouraging ang mga sinabi ni Lani at sapat na ito para magmuni-muni si De Lima dahil gugunitain sa susunod na buwan ang Mahal na Araw.

Eugene kasal na raw sa Italian BF?!

Walang inamin si Eugene Domingo tungkol sa isyu na kasal na sila ng kanyang Italian boyfriend kaya pabalik-balik siya sa Italy.

Ipinipilit ng mga nasa paligid ni Eugene na married woman na ang comedienne pero balewala ang kanilang ipinaglalaban kung mismong ang may katawan ang tumatanggi o ayaw kumpirmahin ang isyu.

Para sa mga nagsasabi na kasal na si Eugene at ang boyfriend nito, hayaan natin na siya ang magkusa na magsalita at umamin. Malay natin, naghihintay lamang si Eugene ng tamang panahon dahil ayaw niya na pinangungunahan siya ng mga tao na walang kinalaman sa kanyang personal life.

Alfred pinakinggan ng mga taga-Bestlink

Nakausap na ni Congressman Alfred Vargas ng District V ng Quezon City ang mga may-ari ng Bestlink College of the Philippines, ang school sa Novaliches City na pinapasukan ng mga estudyante na nasawi sa bus tragedy sa Tanay, Rizal.

Sinabi ni Alfred na maayos na kausap ang mga executive ng paaralan na nangako na tutulungan ang mga biktima ng malagim na insidente.

Nagpapasalamat si Alfred sa ko­ope­­rasyon at oras na ibinigay ng school owners para maayos ang mga problema tungkol sa naganap na aksidente.

 

vuukle comment

LEILA DE LIMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with