^

Metro

Mahigit 100 biktima ng rent-tangay, lumutang sa NBI

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Nakikipag-ugnayan na sa National Bureau of Investigation (NBI) ang mga may-ari ng mahigit 100 mga sasakyan para mabawi ito sa sindikato ng ‘Rent Tangay’ Sangla Scam’.

Sa kabuuan, umaabot na sa 256 ang mga sasakyan na nabawi ng NBI at ang mga ito ay nasa tanggapan ng kawanihan sa Tagaytay City.

Sa pulong balitaan, inanun­syo ni NBI Director Dante Gier­ran na inatasan na niya ang NBI NCR para pangunahan ang imbestigasyon at pagbuo ng malakas na kaso laban sa mga sangkot sa nasabing sindikato.

Lumiham na rin aniya ang NBI kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre para masimulan na ang pagbalik sa mga sa­sakyan sa mga may-ari nito.

Sinabi naman ni NBI-NCR Chief Cesar Bacani na magiging mabusisi sila sa proseso ng pagbalik sa mga sasakyan.

Kinakailangan aniya na ang claimant ay makapagpri­sinta ng proof of ownership para ma­ibalik sa kanila ang sasak­yan.

Samantala, nasa 72 na mga may-ari ng sasakyan ang dumulog na sa NBI para magreklamo.

Hindi rin isinasantabi ng NBI ang posibilidad na maisama nila sa imbestigas­yon ang posibleng pagkakasangkot ng mga ahente sa bangko sa nasabing modus operandi.

vuukle comment

NBI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with