PSN True Confessions ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

May isang Pangit (23)

“PAKIRAMDAM ko nasisiyahan din ang mga kasamahan kong hardinero na ako ang naging bisor nila. Kasi’y ako ang tipo ng bisor na hindi hinahanapan ng mali ang aking nasasakupan. Pare-parehas lang kami. Hindi ko nga itinuturing na bisor ako. Pakiramdam ko nga, karaniwan pa rin akong hardinero.

“Sabi ng mga kasama­han ko, mabuti raw at ako ang ginawang bisor nila dahil mas madali raw akong lapitan. Hindi raw ako ka­tu­lad ng dating bisor na ang sarili lamang ang iniintindi at walang pakialam sa tauhan. Sabi ko naman, kung ano ang kanilang problema ay ipaalam sa akin at ako ang magsasabi sa ma-nagement. Malulutas lamang ang problema kung mapag-uusapan nang masinsinan.

“Mula nang ako ang ma­ging bisor ay para bang nag­ karoon ng kapanatagan ang aking mga kasamahan. Wala na silang iniisip na maari silang masibak o kaya ay bigla na lang ipatatawag ng manager dahil may reklamo o may maling nagawa sa trabaho. Hindi na sila kinakabahan mula nang ako ang umupong bisor. Paalala ko lang sa aking mga kasamahan na pagbutihin ang pagtatrabaho. Hindi puwede yung katwiran na “puwede na ‘yun” o “kaya’y ayos na ‘yan”. Kailangang pag­hu­ sayin ang trabaho para kahit saan man pumuntang lugar ay masisiyahan ang employer.

“Sa panahon na ako ang bisor ng mga hardinero ay naidasal kong sana ay dumalaw si Mulong para naman makapagkuwentuhan kami. Siguro ay magugulat siya kapag nalamang ako na ang bisor. Tiyak na matutuwa iyon. Pero hindi siya nagpakita o dumalaw man lang. Naisip ko naman, maganda na siguro ang kalagayan ni Mulong sa kanyang trabaho sa pulitiko. Baka bigtime na ang aking kaibigan. Baka bodyguard-driver na siya. Baka malaki na ang suweldo.

“Inabot din ako ng pitong taon sa pagiging superbisor ng mga hardinero bago ako nagpasyang tanggapin na ang trabaho sa Saudi Arabia — doon nga sa farm ng mabait na si Abdullah. Ipinasya kong umalis na sa dating trabaho dahil nag-retire na rin ang mabait na director na nag-backup sa akin.

“Nang nasa Saudi na ako at nangailangan ng trabahador si Abdullah, naaalala ko na naman si Mulong. Siya ang gusto kong kunin. Kaya nang magbakasyon ako sa Pinas, ginawa ko ang lahat para siya makita.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

“Nakita ko siya. Nagulat ako sa nakitang itsura niya. Naawa ako…”

(Itutuloy)

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: