PSN True Confessions ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Thelma (102)

“PARA makaiwas ka na sa kapatid ko. Kasi habang naririto ka, hindi ka niya titigilan. Lalo pa at ‘yang negosyo n’yo ni Papa ay napakalakas. Babalik-bali-kan ka sigurado ni Ate Judith. Kabisado ko na si Ate. Inggi­tira siya at hindi tu­ mitigil hangga’t wa­lang nangyayari sa kinaiinggitan. Kung nasa Maynila na kayo ni Trev, hindi na siya makakasunod. At isa pa, naroon ako. Magkikita tayo palagi.”

Pero ayaw ni Thelma.

“Ayaw kong iwan ang ipinundar namin ni Caloy. Malaki na ang hirap namin sa negosyong ito. Noon, madalas kong marinig kay Caloy na anuman ang sinimulan namin ay gagampanan nang maayos at tatapusin. Hindi ko iiwan ang    aming sinimulan, Ara. Bahala na kung ano ang gawin ni Judith.”

Napatingin nang makahulugan si Ara kay Thelma. Humaha-nga sa pasya ni Thelma.

“At saka ayaw kong mapalayo kay Caloy, Ara. Siyempre kapag nasa Maynila na kami, paano ko madadalaw ang libingan niya. Gusto ko laging dadalawin siya, Ara.”

Hinawakan ni Ara sa braso si Thelma. Pinisil. Hindi nga nagkamali ang kanyang Papa sa pagpili kay Thelma.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

“At isa pa, ano ang pagkakakitaan namin sa Maynila? Wala naman akong alam na trabaho kundi magtinda. Baka mamalimos lang kami roon, samantalang dito sa probinsiya ay sigurado ang kita.”

“Ang sa akin naman ay suhestiyon lang, Thelma. Ikaw pa rin ang masusunod para sa sarili mo.”

“Salamat Ara.”

“Basta magtawagan na lamang tayo. Kung ano ang pro-blema mo, itawag mo sa akin. Kung mangyari muli ang pagsugod ni Ate Judith, ipaalam mo agad at pupunta ako rito. Kaming dalawa ang maghaharap.”

“Salamat Ara.”

Ipinagpatuloy ni Thelma ang negosyong iniwan ni Caloy. Ang tindahan ng damit ay lalo pang lumakas. Kumuha siya ng dala­wang tindera. Sa umaga ay sa damitan siya at sa hapon ay sa motorcycle store siya. Dalawa rin ang tauhan niya sa motorcycle store. Malakas ang benta ng dalawang tindahan. Tama nga ang sabi ni Caloy na ang babaing may nunal sa pagitan ng mga suso ay su-werte sa pagtitinda.

Wala namang pro­blema na may kaugnayan kay Judith. Hindi na ito nagpakita. Hindi alam ni Thelma kung nasaan na si Judith.

(Itutuloy)

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: