Black Pearl (77)
TEXT at e-mail ang komunikasyon namin ni Rina. Inip na inip na raw siya sa Riyadh. Tinatamad daw siyang pumasok sa ospital. Baka raw hindi na siya makatagal at bigla na lang siyang mag-exit.
“Ikaw lang ba, ako rin inip na inip dito sa bahay,” sabi ko nang minsang magkausap kami sa cell phone.
“Anong ginagawa mo, Frankie?”
“Dito lang sa bahay. Para hindi mainip, nagtatanim ako ng gulay sa li- kod ng bahay. Malalaki na ang petsay at mustasa ko. Pati yung talong ko, malaki na rin.”
Nagtawa si Rina.
“Ba’t ka nagtawa?” tanong ko.
“Talaga namang malaki ang talong mo, Frankie.”
“Ay ang bastos ng ale.”
“Nami-miss ko na Fran-kie…”
“Ang alin?”
“Yung talong.”
Napahagikgik ako.
“Yung mani miss ko na rin, Rina.”
“Ang hirap pala kapag nasanay na me kinakaing talong. Parang gusto kong maloka, Frankie.”
“Parehas tayo. Halos mabuwang din ako.”
“Baka maghanap ka ng mani d’yan, Frankie.”
“Hindi. Hihintayin ko ang mani from Riyadh.”
“Sige ha.”
Hanggang may naaa-lala ako. Tinanong ko kung may nararamdaman si-yang palatandaan ng pagbubuntis.
“Wala pa, Frankie. Akala ko nga, hindi na ako rereglahin. Delayed lang pala.”
“Bugok na yata etong ano ko.”
Nagtawa. Natapos ang usapan namin.
Isang araw, nagtungo ako sa isang sikat na mall sa Maynila. May bibilhin ako sa isang computer store doon. Paglabas ko sa store, nakita ko ang isang babae na may akay na dalawang bata. Parang kilala ko ang babae! Kinabahan ako.
(Itutuloy)
- Latest
- Trending