PSN True Confessions ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Salamat, hinango mo ako sa putikan! (Ika-78 na labas)

(Batay sa kasaysayn ng isang nagpapatago sa pangalang Che)


"KAHIT dito ka na matulog sa club. Che. Akong bahala sa’yo," pahabol pang sabi ni bossing at pakiramdam ko ulol na ulol na sa akin.


"Si Pearl paano?" tanong ko na patuloy na sumasakay sa kanya para hindi makahalata.


"Huwag mong intindinhin si Pearl. Ikaw na ang reyna rito. Ikaw lang talaga."


Ngumiti lamang ako. Pero iyon ay ngiting aso.


"Ano Che? Huwag ka nang uuwi ha?"


"Sige bossing," sabi kong patuloy na sumasakay sa kanya. Ang akala niya’y sunud-sunuran na ako sa kanya.


"Pagkatapos ng palabas n’yo mamaya, dito ka na dumeretso. Maghihintay ako sa iyo rito.


"Ano bang gusto mong kainin?"


"Bahala ka na bossing," sabi ko at bahagyang pinalandi pa ang boses. Akala ni bossing, gustung-gusto ko na siya. Akala niya, makukuha na ako mamaya. Inaasam na niya ang kabirhenan ko.


Habang lumalalim ang gabi ay dumarami ang mga pumapasok sa Black Roses. Napupuno na ang mga mesa. Dati ay maraming bakanteng mesa. Pero ngayon, kapuna-punang namumutiktik na ang mga kalalakihan. May ilan pang foreigner akong nakita.


Hanggang sa magsimula ang palabas. Kalmado na ako. Hindi katulad kanina na kinakabahan sa mga mangyayari mamaya-maya lamang.


Naaalala ko ang mga sinabi ni bossing, medya-medya lamang daw ang gawin kong pagpapakita sa aking boobsie. Para raw mabitin ang mga kustomer. O maaaring ganoon ang sinabi niya para hindi mapagsawaan ng mga mata ng kustomer ang pinagnanasaan niya. Gusto pa rin niyang siya ang makauna. Hayop talaga.


Dumating ang sandaling iyon. Nagpalit-palit ang ilaw. Kumindat-kindat. Nakikita ko ang pagpasok ng mga kalalakihan. Pumailanglang ang isang awitin. Iyon ang simula para ipakita ko ang pinananabikan ng mga kalalakihan.


Lakas loob na. Unti-unti, naalis ko ang aking damit. Natira ang bra at bikini panty. Nang aalisin ko na ang bra ay nakita ko roon si Mang Angel. Tila asong naglalaway na naghihintay mabuksan ang kinatatakaman.


Naghiyawan ang mga manonood. "Alisin na ‘yan! Huuuu"


Ang hiyawan ay tila nakabingi sa akin. Pero sanay na ako roon. Medya-medya lang muna gaya ng sabi ni bossing. Huwag ibubuhos lahat para mayroon namang balikan. Naalala ko pa, ako raw ang gagawing Reyna. Hindi na raw si Pearl. Walanghiya talaga ang Intsik na iyon. Parang lawin na pagkatapos lurayin ang mga sisiw ay itatapon na lamang ang bangkay.


Hinawakan ko ang hook ng aking bra na nag-aanyong tatanggalin na iyon at lalo pang nag-ulol ang mga manonood.


Nakita ko ang pagkaulol ni Mang Angel. Mas ulol pa kaysa noong hinipuan niya ako ng gabing iyon. (Itutuloy)

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: