^

True Confessions

Sa Piling ng Kalapati (62)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“HINDI kaya ang lalaking­ naghahanap sa’yo ay si Toshi – baka sinundan ka, Mommy,” sabi ni Ruth.

Mapakla ang mukha ni Mommy Donna.

“Hindi! Palagay ko, wala nang interes sa akin ang demonyong yun! At maski ako naman, wala na ring damdamin sa kanya. Sinira niya ang buhay ko. Kung hindi niya ako inapi-api, hindi ako masasadlak sa ganitong buhay.’’

Nakumbinsi si Ruth. Tama si Mommy Donna, ang walanghiyang Ha­pones ang may kagagawan nang lahat. Kung hindi siya pinauwi mula Japan, hindi sana magi­ging ganito ang buhay ni Mommy Donna. Siguro rin ay hindi mamamatay ang anak nilang si Keiko­. Pero sabi naman ni Mommy Donna, malakas ang kutob niyang buhay si Keiko.

“Kung hindi si Toshi ay sino ang Hapones na nag­hahanap sa’yo, Mommy?’’

“Baka isang “naserbis­yuhan” ko at hindi mali­mutan ang nangyari.’’

Hindi nagsalita si Ruth. Naalala niya ang mga latay noon ni Mama Donna sa likod. Kagagawan daw iyon ng isang Hapones na hindi nasisiyahan sa pakikipagtalik hangga’t hindi sinasaktan ang partner­. Matagal-tagal din bago gumaling ang mga latay­ sa likod ni Mommy Donna. Nagsugat kasi dahil laging­ nakikiskis ng damit. Naimpeksiyon yata kaya matagal bago bu­mahaw ang sugat.

 

PERO sa kabila na hindi naniniwala si Mommy Donna na ang naghahanap sa kanya ay si Toshi, may nabubuhay na pag-asa na baka nga ang asawang Japanese iyon.

Hinanap niya ang tambay na si Danilo. Nakita niya sa kanto.

“May naghahanap pa ba sa akin, Danilo?’’

“Wala Mam Donna!”

“Baka hindi ako ang hinahanap nun.’’

“Ikaw daw po, Mam.”

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with