^

True Confessions

Sa Piling ng Kalapati (30)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

APAT na mahahabang latay ang nakita ni Ruth sa likod ni Mommy Donna. Sa tingin ni Ruth, latay iyon mula sa latigo. Hindi magawang hawakan ni Ruth ang latay sapagkat pakiramdam niya, siya ang nasasaktan. Nasa gitna mismo ng likod ni Mommy Donna ang mga latay. Itinaas pa ni Ruth ang damit ni Mommy Donna para tingnan kung mayroon pang latay sa dakong itaas o sa gawing batok. Wala na. Sa likod lamang ang mga latay.

Hindi makatiis si Ruth at dinampian nang mainit-init na bimpo ang mga latay para hindi maimpeksiyon. Pero naidiin niya at napapitlag si Mommy Donna. Napa-“aray”.

“Sorry Mommy!’’

Pero nagpatuloy sa pagtulog ang ina-inahan. Marahil, inakalang ang pagkakadiin sa latay ay bahagi ng panaginip. Kanina pa umuungol si Mommy Donna na karaniwan nang maririnig dito kapag natutulog.

Iniwasan ni Donna na masanggi ang mga latay. Pero pakiramdam ni Ruth, siya ang nasasaktan. Sino kaya ang may kagagawan ng mga latay?

Pinalitan ni Ruth ng damit ang ina-inahan habang mahimbing pa rin sa pagkakatulog.

Kung tanungin kaya niya ang ina-inahan bukas kung bakit may mga latay, hindi kaya magalit sa kanya? Baka ikasama ng loob niya.

Pero masidhi ang pagnanais ni Ruth na malaman ang nasa likod ng mga latay. Gusto niyang malaman ang dahilan at mayroon itong latay. Nagmamalasakit lamang siya sa ina-inahan.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with