^

True Confessions

Sa Piling ng Kalapati(29)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

PAGPASOK ni Mommy Donna sa bahay ay agad ibinagsak ang katawan sa sopa. Pagod na pagod ito.

“Gusto mong kumain, Mommy?’’ tanong ni Ruth.

“Mamaya na. Dito lang muna ako sa sopa.’’

“Sige. Sabihin mo kung kakain ka na at magsasandok ako.’’

“Okey. Sige ipagpatuloy mo ang pag-aaral mo. Di ba bukas na ang finals n’yo?’’

“Oo.’’

Ipinagpatuloy ni Ruth ang pagrerebyu. Kaninang tanghali pa siya nagrerebyu. Gusto niyang ma-perfect ang final exam bukas. Ang exam na iyon ang magde-determine kung kasama siya sa honor roll. Sana, makasama siya at iyon ang regalo niya kay Mommy Donna. Tiyak matutuwa si Mommy Donna kapag nakasama siya sa makakatanggap ng honor. Noon pa wish ni Mommy Donna na makapanhik sa stage para makapagsabit ng medalya. Sana, hindi siya mabigo. Gusto niyang mabigyan ng kasiyahan ang ina-inahan.

Paminsan-minsan ay si­nusulyapan ni Ruth si Mommy Donna. Nakatulog din ito habang nasa sopa. Napagod nga siguro kaya paglapat ng likod sa sopa ay tulog na agad. Narinig pa niya ang mahinhing paghihilik ng ina-inahan.

Nang lumalim na ang gabi at wala pang balak gumising si Mommy Donna, ginising na niya ito.

“Lipat ka na sa kuwarto Mommy. Papalitan kita ng damit.’’

Napilit ni Ruth.

Naihiga niya sa kama.

Pupunasan muna niya at saka papalitan ng damit.

Naghanda siya ng ma­li­gamgam na tubig. Hinu­bad niya ang blusa nito.

Nagulat si Ruth nang makita ang mga bakas ng palo o latigo sa likod ng ina-inahan.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with