PSN True Confessions ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Sa piling ng kalapati (21)

SABAGAY, lagi namang­ ganun si Mommy­ Donna. Bigla-bigla kung umalis at kung minsan ay sa gabi pa. Para bang biglang ipinatawag­ ng kung sino na hindi makatanggi. At hindi naman siya makapagtanong kay Mommy Donna kung bakit ganoon. Ayaw niyang may masabi sa kanya si Mommy. Ayaw niyang magkakaroon sila ng hindi pagkakaunawaan dahil doon.

May pagkakataong umagang-umaga ay biglang aalis si Mommy Donna. Pero bago iyon, nakikita niya itong may ka-text. At pagkatapos mag-text ay dali-daling maliligo at magbibihis. Pawang sexy ang damit na isinusuot pero bagay sa kanya. Maganda kasi si Mommy Donna.

“Aalis na ako, Ruth. Bahala ka nang magluto ng kakanin mo. Kumuha ka ng pera sa cabinet kapag may bibilhin ka.’’

“Opo Mommy.’’

Minsang umalis nang maaga si Mommy Donna ay nilinis ni Ruth ang kuwarto nito. Winalis ang ilalim ng kama.

Hanggang may makita siya! Isang sobre na may sulat sa loob!

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

(Itutuloy)

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: