^

True Confessions

Sa Piling ng Kalapati(18)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAGISING si Mommy Donna habang yakap ni Ruth.

“Wala ka nang lagnat Mommy. Anong pakiramdam mo?’’

“Medyo mabuti na. Pero masakit itong ulo ko.’’

“Baka may sipon ka. Masakit sa dakong noo?’’

“Oo. Hindi nga ako lubos makahinga’’

“Sipon ‘yan. Malapot na sipon na ayaw lumabas. Nabasa ko sa isang libro na maglagay nang mainit na tubig na may asin sa isang tasa at saka singhutin, luluwag ang paghinga. Mamaya, gawin mo yun ha?’’

Tumango si Mommy Donna.

“Gusto mo nang kumain? May tinola pa. Ipaiinit ko.’’

“Sige.’’

Ipinainit ni Ruth ang ulam. Naglagay ng kanin sa pinggan at saka sabaw sa tasa. Ipinasok sa kuwarto.

“Susubuan kita, Mommy.’’

‘‘Sige. Nanginginig pa nga ang kamay ko.’’

“Bakit? Giniginaw ka?’’

“Hindi. Aywan ko kung bakit.’’

“A baka dahil sa paninigarilyo. Tigilan mo na nga ang yosi. Ang dami nang namatay d’yan.’’

“Titigilan ko na nga.’’

“Sinabi mo na yan nun pero hindi mo ginawa.’’

“Subuan mo na ako.’’

“Ay oo nga pala.’’

Ku­­mutsara si Ruth ng sabaw at sinubo kay Mommy Donna. Kumutsara uli. Isinubo.

Pagkatapos ay nilagyan ng sabaw ang kanin. Kinutsara ni Ruth at isinubo. Halatang gutom si Mommy Donna.

Pumiraso ng manok si Ruth at isinubo. Sinubuan uli ng kanin.

“Tubig?’’

“Mamaya na. Gusto ko pa ng sabaw.’’

Sinubuan uli.

Hanggang maubos ang kanin at tinola.

Pinainom ng tubig.

Nang matapos inilabas na ang mga ginamit. Bu­malik si Ruth at inayos ang kumot ni Mommy Donna.

Hindi inaasahan ni Ruth ang sinabi ni Mommy.

“Mabuti pa ikaw, nagmamahal sa akin.’’

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with