PSN True Confessions ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Sa Piling ng Kalapati (11)

MALUNGKOT si Coco nang sumama sa kanyang mga magulang. Halatang napamahal kay Ruth sa loob ng ilang araw na pagkupkop. Nang sasakay na sa kanilang kotse ay kumaway kay Ruth pero walang sigla.

“Babay Coco!’’ sabi ni Ruth.

Maya-maya pa, umalis na ang mag-anak.

Inihatid ng tingin ni Ruth. Si Mommy Donna ay nauna na sa loob ng bahay.

Nakadama ng lungkot si Ruth sa pag-alis ni Coco.

Kung hindi nga lamang bawal sa batas ang basta pagkupkop sa bata, ayaw na sana niyang umalis sa kanila si Coco. Sabik siya sa kapatid. Isa pa, katulad din siya ni Coco na nagpalabuy-laboy. Ang kaibahan nga lamang, naglayas si Coco samantalang siya ay naging palaboy dahil sa matinding kahirapan ng buhay. Mayaman sina Coco saman­talang siya ay mahirap pa sa daga. Mabuti na nga lamang at kinupkop siya ni Mommy Donna.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Pumasok na si Ruth sa loob ng bahay. Wala sa salas si Mommy Donna. Sinilip niya sa kuwarto. Nakahiga na ito pero gising pa.

“Kakain ka ba Mommy? Magluluto ako.’’

“Sige. Matutulog lang ako.’’

‘‘Gisingin kita kapag nakaluto na ako?’’

“Sige. Ano bang lulutuin mo?’’

‘‘Tinolang manok.’’

‘‘Sige. Matutulog na ako.’’

Isinara ni Ruth ang pinto ng kuwarto.

Inihanda niya ang mga lulutuin.

Habang binabalatan ang papaya, naiisip niya ang kalagayan nila ni Mommy Donna. Gusto niya makapagtrabaho na para makapagpahinga na si Mommy Donna sa ‘‘trabaho’’ nito. Nagkakaedad na si Mommy Donna. Mga ilang taon pa at kukupas na ang ganda nito. Kapag nawala o kumupas na ang ganda ni Mommy Donna, paano na ang buhay nila.

Gusto niya, siya naman ang maglilingkod kay Mommy Donna. Magbabayad siya sa pagkakautang dito.

(Itutuloy)

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: