^

True Confessions

Sa piling ng kalapati (10)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“AYAW ko na sa amin, Ate Ruth, mas gusto ko rito!” sabi ni Coco.

“Hindi ka namin puwedeng patirahin dito dahil wala kaming ipakakain sa’yo. Dito bagoong ang ulam e sa inyo, hamon. Anong gusto mo?’’

“Masarap naman ang bagoong ah!’’

“Huwag mo akong pa­tawanin. Mamaya-maya daratng na ang mommy at daddy mo. Gustung-gusto ka na nilang makita.’’

“Gusto ko talaga rito Ate Ruth. Dito na lang ako.’’

“Kulit mo talaga. Pu­­wede ka namang pu­munta rito. Magpahatid ka lang sa daddy mo. Welcome ka rito, anytime.’’

Napatingin kay Ruth.

Hinimas ni Ruth ang ulo.

“Saan ka ba nag-aaral?’’

“Sa Greenhills.’’

“A dun sa school ng mayayaman? Karamihan mga Tsinoy?’’

“Oo.’’

“Pagbutihan mo ang pag-aaral.’’

“Lagi akong pupunta rito, Ate Ruth.’’

“Oo. Welcome ka rito.’’

Lumabas si Mommy Donna.

“O anong oras daw pupunta rito, parents ni Coco,’’ tanong nito.

“On the way na raw, Mommy.’’

“Mabuti naman.’’

Maya-maya may kumatok sa pinto. Binuksam ni Ruth.

“Magandang umaga po, mga magulang po kami ni Coco.`’’

‘‘Pasok po, Mam, Sir.’’

Pumasok ang mag-asawa.

‘‘Ikaw si Ruth?’’

‘‘Opo.’’

“Salamat sa pagkupkop mo kay Coco, Ruth.’’

‘‘Kami pong dalawa ni Mommy ang nagtulong para madala rito si Coco.’’

Tinawag ni Ruth si Mommy Donna.

“Salamat po sa inyong dalawa. Hindi namin ito makakalimutan.’’

Maya-maya pa, kinuha ni Ruth si Coco sa ku­warto at iniharap sa ama at ina. Umiyak na niyakap ng ina si Coco. Walang tigil sa pag-iyak ang ina.

Nang aalis na, nagpa­alam may sinabi si Ruth kay Coco.

‘‘Huwag ka nang lalayas ha?’’

“Oo Ate Ruth.’’

“Puwede kang duma­law dito kahit kailan mo gusto.’’

Tumango si Coco.

Inaabutan ng pera ng mag-asawa si Ruth pero tinanggihan ng dalaga.

“Huwag na po Mam.’’

“Salamat Ruth’

Ilang sandali pa at nagpaalam na sina Coco.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with